KALALABASAN NG TAONG WALANG TAKOT SA DIYOS AT KALALABASAN NG TAONG MAY TAKOT SA DIYOS/ Jonah 1-2-3

Описание к видео KALALABASAN NG TAONG WALANG TAKOT SA DIYOS AT KALALABASAN NG TAONG MAY TAKOT SA DIYOS/ Jonah 1-2-3

ANG PAGKATAKOT SA DIYOS
Series 4

KALALABASAN NG TAONG WALANG TAKOT SA DIYOS AT KALALABASAN NG TAONG MAY TAKOT SA DIYOS

Panimula:
1. KALALABASAN: effect, result, reaction, consequence, outcome.. Sa mga marunong matakot sa Diyos at sa mga walang takot sa Diyos..
2. Dito sa mundo, hati ang tao, may mga taong may takot sa Diyos, may mga tao namang walang takot sa Diyos.
3. May mga taong mabuti, may mga tao namang masama...may mga taong segurado sa langit may mga taong pupunta sa hell..

ANO ANG KALALABASAN NG TAONG WALANG TAKOT SA DIYOS AT KALALABASAN NG TAONG MAY TAKOT SA DIYOS?

UNANG PAGUSAPAN NATIN AY ANG:
1. KALALABASAN NG TAONG WALANG TAKOT SA DIYOS.

DALAWANG CATEGORY ANG KALALABASAN NG TAONG WALANG TAKOT SA DIYOS:
1. Believers na nawalan ng takot sa Diyos.
Example:
Si Johah.. Siya po ay tinaguriang young prophets....
Jonas 1:1-3
[1]Ang aklat na ito ay naglalaman ng mensahe ni Yahweh sa pamamagitan ni Jonas na anak ni Amitai. Isang araw, sinabi sa kanya ni Yahweh:
[2]“Pumunta ka sa Nineve na isang malaking lunsod, at sabihin mo sa mga tagaroon na umabot na sa aking kaalaman ang kanilang kasalanan.”
[3]Sa halip na sumunod, ipinasya ni Jonas na takasan si Yahweh. Nagtungo siya sa Joppa, at doon ay nakatagpo ng isang barkong patungong Tarsis. Pagkatapos na magbayad ng pamasahe, sumakay siya sa barko upang maglakbay kasama ng iba pang mga pasahero patungong Tarsis. Sa ganitong paraan ay inakala niyang makakatakas siya kay Yahweh.

Note: 1. Si Jonah ay inutusan ng Panginoon para mangaral sa Neneveh... Piro tinakasan niya ang Diyos, hindi pinakinggan ang Diyos, sinuway ang Diyos, hindi na natakot sa Diyos, hindi na iginagalang ang Diyos..

Note 2. Pumunta siya sa pier ng Joppa at nakatagpo ng barko, siyay sumakay biyahing TARSIS..

Note 3. Ano ang kinalabasan, epekto, o resulta sa kanyang paglabag sa Diyos? Ang pagkawala ng pagkatakot niya sa Diyos? SIYA AY IPINASOK NG DIYOS PINARANAS NG DIYOS SA MAHIRAP NA PAGSUBOK

Jonas 1:4-17
[4]Ngunit nang sila'y nasa laot na, nagpadala si Yahweh ng isang malakas na bagyo kaya't halos mawasak ang barko.
[5]Dahil dito, labis na natakot ang mga tripulante kaya't silang lahat ay humingi ng tulong sa kani-kanilang diyos. Pagkatapos, inihulog nila sa dagat ang mga kargamento para gumaan ang sasakyan. Samantala, si Jonas naman ay mahimbing na natutulog sa isang sulok sa ibabang palapag ng barko.
[6]Nakita siya ng kapitan at ginising, “Ano't nagagawa mo pang matulog? Bumangon ka't manalangin sa iyong diyos, baka sakaling kaawaan niya tayo at iligtas sa kamatayan.”
[7]Nag-usap-usap ang mga tripulante, “Magpalabunutan tayo, para malaman natin kung sino ang dahilan ng lahat ng ito.” Gayon nga ang kanilang ginawa at nabunot ang pangalan ni Jonas.
[8]Kaya't siya'y kinausap nila, “Sabihin mo sa amin kung sino ang dapat sisihin sa nangyayaring ito. Anong ginagawa mo rito? Saang bansa ka galing? Tagasaan ka at anong lahi mo?”
[9]Sumagot si Jonas, “Ako ay isang Hebreo at sumasamba ako kay Yahweh, ang Diyos ng kalangitan na lumikha ng dagat at ng lupa.”
[10]Sinabi ni Jonas na tinakasan niya si Yahweh. Nakadama ng matinding takot ang mga nakarinig kaya sinabi nila kay Jonas, “Napakalaking kasalanan ang ginawa mo!”
[11]Lalong lumakas ang bagyo, kaya tinanong nila si Jonas, “Ano ang dapat naming gawin sa iyo para pumayapa ang dagat?”
[12]“Ihagis ninyo ako sa dagat at papayapa ito. Alam kong ako ang dahilan kaya nagkaroon ng ganito kalakas na bagyo,” sagot niya.
[13]Gayunpaman, sinikap ng mga tripulante na itabi ang barko, ngunit wala silang magawâ sapagkat lalong lumalakas ang bagyo.
[14]Kaya't nanalangin sila kay Yahweh nang ganito: “Yahweh, huwag po ninyo kaming hayaang mamatay dahil sa gagawin namin sa taong ito. Huwag po ninyo kaming parusahan kung mamatay man ang taong ito. Kayo po Yahweh ang may pananagutan dito.”
[15]Pagkasabi nito, binuhat nila si Jonas at inihagis sa dagat. Agad namang pumayapa ang dagat.
[16]Dahil dito, nagkaroon sila ng matinding takot kay Yahweh kaya't sila'y nag-alay ng handog at nangakong maglilingkod sa kanya.
[17]Sa utos ni Yahweh, nilamon si Jonas ng isang dambuhalang isda at siya'y nanatili ng tatlong araw at tatlong gabi sa tiyan nito.

Note 4. Naunawaan natin sa kwentong ito, na kahit alam mo na ang katotohanan, ang utos ng Diyos, ang kalooban ng Diyos, piro pilit kang tatakas sa Diyos, pilit mong nilalayuan ang obligasyon mo sa Diyos, Tinatakasan mo ang gawain, ang ministry, naging over familiarity ka sa kabutihan ng Diyos... PADADALHAN KA NG TRIALS NA IIYAK KA, MAHIHIRAPAN KA, SA TINGIN MO KATAPUSAN MO NA, BUHAY NA HINDI KOMPORTABLI... TULAD NI JONAS...

Note: We have a great responsibility to obey Gofs word, because our sin and disobedience will hurt others around us.

Note: Ang lesson ay huwag alisin ang takot sa Diyos, igalang o repetuhin ang Diyos, sundin ang kalooban ng Diyos...

Комментарии

Информация по комментариям в разработке