Logo video2dn
  • Сохранить видео с ютуба
  • Категории
    • Музыка
    • Кино и Анимация
    • Автомобили
    • Животные
    • Спорт
    • Путешествия
    • Игры
    • Люди и Блоги
    • Юмор
    • Развлечения
    • Новости и Политика
    • Howto и Стиль
    • Diy своими руками
    • Образование
    • Наука и Технологии
    • Некоммерческие Организации
  • О сайте

Скачать или смотреть Tula 👏🏻 "HULING PAALAM" ni Dr. Jose Rizal

  • BALAGTASAN
  • 2022-12-15
  • 2680
Tula 👏🏻 "HULING PAALAM" ni Dr. Jose Rizal
  • ok logo

Скачать Tula 👏🏻 "HULING PAALAM" ni Dr. Jose Rizal бесплатно в качестве 4к (2к / 1080p)

У нас вы можете скачать бесплатно Tula 👏🏻 "HULING PAALAM" ni Dr. Jose Rizal или посмотреть видео с ютуба в максимальном доступном качестве.

Для скачивания выберите вариант из формы ниже:

  • Информация по загрузке:

Cкачать музыку Tula 👏🏻 "HULING PAALAM" ni Dr. Jose Rizal бесплатно в формате MP3:

Если иконки загрузки не отобразились, ПОЖАЛУЙСТА, НАЖМИТЕ ЗДЕСЬ или обновите страницу
Если у вас возникли трудности с загрузкой, пожалуйста, свяжитесь с нами по контактам, указанным в нижней части страницы.
Спасибо за использование сервиса video2dn.com

Описание к видео Tula 👏🏻 "HULING PAALAM" ni Dr. Jose Rizal

Ang Mi último adiós (Huling Paalam) ay ang kahuli-hulihang tulang isinulat ng pambansang bayani ng Pilipinas na si Dr. Jose Rizal. Pakinggan si G. Lamberto B. Cabual sa kanyang masining na pagbigkas sa tulang ito.

Si Bert Cabual ay isang batikang makata, mambabalagtas, manunulat, brodkaster at guro buhat sa Batangas. Kasalukuyan siyang naninirahan sa London.

HULING PAALAM
ni Dr. Jose Rizal
                                          
Paalam na sintang lupang tinubuan,
Bayang masagana sa init ng araw;
Edeng maligayang sa ami'y pumanaw
At perlas ng dagat sa dakong Silangan.
 
Inihahandog ko ng ganap na tuwa,
Sa ‘yo ang buhay na lanta na’t aba;
Naging dakila ma'y iaalay rin nga,
Kung dahil sa iyong ikatitimawa.
 
Ang nangasa-digmang dumog sa paglaban,
Handog din sa iyo ang kanilang buhay;
Hirap ay di pansin at di gunam-gunam
Ang pagkaparool o pagtatagumpay.
 
Bibitaya't madlang mabangis na sakit,
O pakikibakang lubhang mapanganib;
Pawang titiisin kung ito ang nais
Ng baya't tahanang pinakaiibig.
 
Ako'y mamamatay ngayong minamalas
Ang kulay ng langit na nanganganinag;
Na ibinabalang araw ay sisikat,
Sa kabila niyong mapanglaw na ulap.
 
Kung dugo ang iyong kinakailangan,
Sa ikaririlag ng iyong pagsilang;
Dugo ko'y ibubo't ng isa man lamang
Ng ngumingiti mong sinag ay kuminang.
 
Ang mga nasa ko mulang magka-isip,
Magpahanggang ngayong maganap ang bait;
Ang ikaw'y makitang hiyas na marikit
Ng dagat silangan na nakaliligid.
 
Noo mo'y maningning at sa mga mata,
Mapait na luha bakas ma'y wala na;
Wala ka ng poot, wala ng balisa,
Walang kadungua't munti mang pangamba.
 
Sa sandaling buhay maalab kong nais,
Ang kagalingan mo't ang paiwang sulit
Ng kaluluwa kong gayak nang aalis,
Ginhawa'y kamtan mo, anong pagkarikit!
 
Nang maaba't ika'y mapataas lamang,
Mamatay nang upang mabigyan kang buhay;
Malibing sa lupang puspos ng kariktan,
Sa silong ng iyong langit ay mahimlay.
 
Kung sa ibang araw, ikaw'y may mapansing
Nipot na bulaklak sa aba kong libing,
Sa gitna ng mga damong masisinsin,
Hagka't ang halik mo'y itaos sa akin.
 
Sa samyo ng iyong pagsuyong matamis,
Mataos na taghoy ng may sintang dibdib,
Bayaang tumanggap noo ko ng init
Na natatabunan ng lupang malamig.
 
Bayaan mong ako'y malasin ng buwan
Sa liwanag niyang hinaho't malamlam;
Bayaang ihatid sa aking liwayway
Ang banaag niyang dagling napaparam.
 
Bayaang humibik ang simoy ng hangin,
Bayaang sa huning masaya'y awitin
Ng darapong ibon sa krus ng libing
Ang buhay payapang ikinaaaliw.
 
Bayaang ang araw na lubhang maningas,
Pawiin ang ulan, gawing pawang ulap;
Maging panganoring sa langit umakyat,
At ang aking daing ay mapakilangkap.
 
Bayaang ang aking maagang pagpanaw,
Itangis ng ilang lubos na nagmahal;
Kung may magpatungkol sa akin ng dasal,
Ako'y iyo sanang idalanganin naman.
 
Idalangin mo rin ang di nagkapalad
Na nangamatay na't yaong nangaghirap;
Sa daming pasakit, at ang lumilingap
Naming mga ina ng luhang masaklap.
 
Idalangin sampo ng balo't ulila
At nangapipiit na tigib ng dusa;
Idalangin mo ring ikaw'y matubos na
Sa pagkaaliping laong binabata.
 
Kung nababalot na ang mga libingan
Ng sapot na itim ng gabing mapanglaw,
At wala ng tanod kundi pawang patay,
Huwag gambalain ang katahimikan.
 
Pagpitaganan mo ang hiwagang lihim
At mapapakinggan ang tinig marahil,
Ng isang solterio:  ito nga'y ako rin,
Inaawitan ka ng aking paggiliw.
 
Kung ang libingan ko'y limot na ng madla
At wala ng krus ni bato mang tanda;
Sa nangagbubukid ay ipaubayang
Bungkali't isabog ang natipong lupa.
 
Ang mga abo ko'y bago pailanlang,
Mauwi sa wala na pinanggalingan;
Ay makalat sanang parang kapupunan
Ng iyong alabok sa lupang tuntungan.
 
Sa gayo'y wala ng anuman sa akin,
Limutin mo ako’t aking lilimutin,
ang himpapawid mo, kaparanga't bangin,
At ako sa iyo'y magiging taginting.
 
Bango, tinig, hangin, awit na masaya
Liwanag at kulay na lugod ng mata;
Uulit-ulitin sa tuwi-tuwina,
Ang kataimtiman ng aking pagsinta.
 
Sintang Pilipinas, lupa kong hinirang
Sakit ng sakit ko, ngayon ay pakinggan;
Huling paalam ko't sa iyo'y iiwan
Ang lahat at madlang inirog sa buhay.
 
Ako'y yayao na sa bayang payapa,
Sa walang alipi't punong mapang-aba;
Doo'y di nanatay ang paniniwala
At ang naghahari'y Diyos na dakila.
 
Paalam na ako, magulang, kapatid,
Bahagi ng pusong unang nakaniig;
Ipagpasalamat ang aking pag-alis
Sa buhay na itong lipos ng ligalig.
 
Paalam na liyag, tanging kaulayaw,
Taga-ibang lupang aking katuwaan;
Paalam sa inyo, mga minamahal—
Mamatay ay ganap na katahimikan.

Комментарии

Информация по комментариям в разработке

Похожие видео

  • Tula 👏🏻
    Tula 👏🏻 "ANG LUMANG SIMBAHAN" ni Florentino T. Collantes
    2 года назад
  • Ang Huling Paalam ni Dr. Jose Rizal👩🏼‍🏫
    Ang Huling Paalam ni Dr. Jose Rizal👩🏼‍🏫
    4 года назад
  • Mi Ultimo Adios (with Tagalog Narration) -- Jose Rizal
    Mi Ultimo Adios (with Tagalog Narration) -- Jose Rizal
    8 лет назад
  • Tula 👏🏻
    Tula 👏🏻 "ANG BATO" ni Jose Corazon de Jesus
    3 года назад
  • “Manggagawa” ( Laborer) | Jose Corazon de Jesus | #laborer #laborday #workers #society #progress
    “Manggagawa” ( Laborer) | Jose Corazon de Jesus | #laborer #laborday #workers #society #progress
    2 года назад
  • ANG ASIN AY ISANG ESPIRITWAL NA SANDATA? ANG NAKATAGONG KATOTOHANAN TUNGKOL SA ASIN SA BIBLIA
    ANG ASIN AY ISANG ESPIRITWAL NA SANDATA? ANG NAKATAGONG KATOTOHANAN TUNGKOL SA ASIN SA BIBLIA
    1 год назад
  • B#19 🏆 Sa matinding kagipitan at kung walang ibang malapitan, magagawa mo bang
    B#19 🏆 Sa matinding kagipitan at kung walang ibang malapitan, magagawa mo bang "kumapit sa patalim"?
    3 года назад
  • ЛЕВИЕВ:
    ЛЕВИЕВ: "Скорее всего, это ПРАВДА". Что делает Кремль, как надолго Иран, козыри Украины, КАК ДАЛЬШЕ
    5 часов назад
  • Aking Huling Paalam (Mi Ultimo Adios) ni Dr. Jose P. Rizal | Binibining Clarizze TV
    Aking Huling Paalam (Mi Ultimo Adios) ni Dr. Jose P. Rizal | Binibining Clarizze TV
    3 года назад
  • МИХАИЛ УЛЬЯНОВ скрывал ЭТО от всех! Жуков, Высоцкий, дети - тайны ШОКИРУЮТ!
    МИХАИЛ УЛЬЯНОВ скрывал ЭТО от всех! Жуков, Высоцкий, дети - тайны ШОКИРУЮТ!
    23 часа назад
  • Якут Охотник на Белок СБИЛ 11 Самолётов — Немцы Искали Его 3 Месяца
    Якут Охотник на Белок СБИЛ 11 Самолётов — Немцы Искали Его 3 Месяца
    1 день назад
  • Huling Paalam Tula ni Dr. Jose Rizal
    Huling Paalam Tula ni Dr. Jose Rizal
    3 года назад
  • Tula 👏🏻
    Tula 👏🏻 "ANG MANOK KONG BULIK" ni Jose Corazon de Jesus | Binigkas ni Bert Cabual
    2 месяца назад
  • Ultimo Adios
    Ultimo Adios
    10 лет назад
  • KAY SELYA Tula ni FRANCISCO BALAGTAS | PRINSIPE MAKATA / MAKATATAWANAN
    KAY SELYA Tula ni FRANCISCO BALAGTAS | PRINSIPE MAKATA / MAKATATAWANAN
    5 лет назад
  • Что творится в Тегеране? Репортажи западных журналистов | Иран изнутри: паника против веры
    Что творится в Тегеране? Репортажи западных журналистов | Иран изнутри: паника против веры
    1 день назад
  • Bakit may kakaiba sa litratong ito?| Dr.Jose Rizal Execution | I Saw Rizal Die By:Hilarion Martinez
    Bakit may kakaiba sa litratong ito?| Dr.Jose Rizal Execution | I Saw Rizal Die By:Hilarion Martinez
    5 лет назад
  • КАДДАФИ. Золото, женщины и трагедия диктатора-суперзвезды | ФАЙБ
    КАДДАФИ. Золото, женщины и трагедия диктатора-суперзвезды | ФАЙБ
    4 часа назад
  • Чингисхан vs Александр Македонский: БИТВА, КОТОРОЙ БОЯЛАСЬ ИСТОРИЯ! Кто бы выжил?
    Чингисхан vs Александр Македонский: БИТВА, КОТОРОЙ БОЯЛАСЬ ИСТОРИЯ! Кто бы выжил?
    22 часа назад
  • "Век Зацепина". Юбилейный вечер к столетию Александра Зацепина. Прямая трансляция из Большого театра
    17 часов назад
  • О нас
  • Контакты
  • Отказ от ответственности - Disclaimer
  • Условия использования сайта - TOS
  • Политика конфиденциальности

video2dn Copyright © 2023 - 2025

Контакты для правообладателей video2contact@gmail.com