Panalangin sa Sto. Niño de Cebu

Описание к видео Panalangin sa Sto. Niño de Cebu

Oh mapaghimalang Sto. Niño, tiklup-tuhod sa harap ng Iyong Mahal na Larawan kami'y nagsusumamo na Iyong tunghan ng maawain Mong mga mata ang aming nagugulumihang mga puso. Nawa'y ang Iyong lubhang matimyas na pag-ibig na lipos ng habag ay mapalambot ng aming mga panalangin at ipagkaloob Mo sana ang biyaya na buong alab naming hinihiling sa iyo. Pawiin Mo sa amin ang lahat ng mga tiisin, pagdadalamhati, at kawalang pag-asa. Alang-alang sa Iyong banal na pagkabata, dinggin Mo sana ang aming mga panalangin at aliwin Mo kami at tulungan, upang purihin Ka, kasama ng Ama at ng Espiritu Santo, magpasawalang-hanggan at magpakailanman. Amen.

Señor Sto. Niño de Cebu,
Kaawaan Mo Kami!

Комментарии

Информация по комментариям в разработке