It’s Showtime August 16, 2024 | Full Episode

Описание к видео It’s Showtime August 16, 2024 | Full Episode

Kalmahan mo lang this Friday! I-inhale ang good vibes at i-exhale ang stress. Anuman ang bumabasag sa happiness mo today, itapon mo na ‘yan doon sa far away. At kung may gusto kang ma-achieve bago matapos ang linggo, go for it, galingan mo!

Achieve na achieve din ang power sa ‘Showtime’ entablado dahil sa collab nina JM Yosures at Riel ng XOXO. Panoorin kung paano sila bumirit nang todo-todo.

Sa “Bata Bata Pick,” unpredictable ang mga pangyayari, kaya ramdam ang kaba ng ‘Showtime’ family. Kung sino kina Imogen, Briseis, Jaze, at Enicka ang mananalo sa bawat round ay hindi tayo sigurado. Kaya ang mga hosts, napapadasal na lang sa dulo. Si Bela Padilla nga, naiyak sa sobrang takot. Naku, lagot!

“FUNishment,” sigaw ng grupo nang mabunot ni player Jackie Gonzaga si Lassy bilang alay. Ano‘ng kapalaran ang sa kanila’y naghihintay? Panalo o parusa?

Mukhang kambal ang kapalaran nina Lassy at MC. Dahil si MC ang sumunod na alay, ka-tandem si Cianne Dominguez. Uyy, si MC nakakahalata na. Bakit lagi siyang nabubunot ni Cianne? “May gusto ka sa’kin, ‘no?” tanong niya.

Tumaas ang tensyon nang napagpasyahan ng mga hosts na magbotohan kung sino kina Lassy, Bela at Teddy Corpuz ang dapat maparusahan. Si Bela, naiyak sa sobrang kaba. Ano ang ending ng masayang kaguluhang ito? Siguradong may mafu-FUNish. Ang tanong na lang ay: Sino?!

‘Pag nagmamahal, syempre, gusto mo ‘yung loyal. Pero paano kung ang taong minahal mo ay harap-harapan kang niloloko? Alamin ang kwento ni Mommy Rosana sa “EXpecially For You.”
Si Rosana, matagal nang hiwalay sa dating asawa. Ang dahilan? Sumakabilang-bahay. Masakit ang naging karanasan niya, lalo na no’ng mga panahon na tahasang lumantad at nagpakilala ang ‘other woman’ ng kanyang mister. Goodbye, forever.

Hindi lang si Rosana ang na-trauma, kundi pati ang dalawang anak niya. Pero nanaig pa rin sa kanya ang kindness and forgiveness. Ngayon, kasama ang bunsong si Ron, handa na siyang pumili ng makaka-date, at tuluyang mag-move on.

Samantala, naging emosyonal si Amy Perez nang maka-relate sa experience ni Rosana sa tinatawag na ‘empty nest syndrome,’ o ‘yung lungkot na nararamdaman ng isang magulang ‘pag ang anak ay malaya nang lumipad sa sarili niyang mga pakpak. Nagbahagi rin ng karanasan si Ogie Alcasid nang tanungin ni Vice Ganda kung paano nanaig ang pagkakaibigan sa pagitan nila ng ex-wife na si Michelle van Eimeren.

Dikit ang laban sa “Tawag Ng Tanghalan The School Showdown.”

“What Kind of Fool Am I,” tanong ni Wendy Figura. Ang pambato ng Bigaa Integrated High School, hinangaan ni hurado Nonoy Zuniga sa kanyang techniques at dramatic phrasing.

“Sa Iyo” ni Sarah Geronimo, mas pinatamis pa ni Princess Canete ng Love and Christian School Incorporated. There’s something special about Princess, sabi ni hurado Dingdong Avanzado.

Si Bela, lumabas ang pagiging fan ni SG, kaya napabirit ng “How Could You Say You Love Me?” Pero mukhang hindi natuwa si Meme Vice!

Si Ryan Bang, nagsalita ng Korean. Ang pogi pakinggan! Parang K-Drama leading man! Kung boses ni Bela ay hindi pasado, British accent naman n’ya ay panalo.

Samantala, para kay Punong Hurado Marco Sison, future superstars sina Wendy at Princess. At pareho silang magaling sa singing. Pero isa lang ang hinirang na panalo, at ‘yun ay si Wendy ng BIHS.

#ItsShowtime
#ItsShowtimeFullEp

Комментарии

Информация по комментариям в разработке