“Is that a new?” tanong ni Kuys Vhong Navarro. Mukhang goodbye na to “crush is paghanga” dahil may bago na s’yang quotable quote. Teka, ikaw, ano’ng bago sa’yo?
Kay Cianne Dominguez, hindi na bago ang pagkanta, pero mas espesyal ang performance n’ya for today’s opening prod dahil present sa studio ang kanyang boyfriend at pamilya. May matamis na message pa sa kan’ya si jowa! Uy, ‘yung kulot na bangs ni Cianne, umunat sa sobrang kilig!
More kantahan pa ang ganap sa “Tawag Ng Tanghalan The School Showdown.” Nagharap din ang Batch 2 ng “Kalokalike Face 4” Top 30 na maglalaban para sa pwesto sa Grand Finals.
Matindi ang face-siklaban sa Day 2 ng “Kalokalike Face 4” Semifinals!
Si Ariana Grande, ready to break free para patunayan na siya ang pinaka-slay pagdating sa panggagaya. Aba, pati boses, kopyang-kopya! Ganap na ganap si Ari kahit medyo busy sa promo ng movie!
Naging ‘best friend’ ni Pia Wurtzbach, kaya buong Pilipinas, the universe, rather, ang nag-abang sa pagbabalik ni Steve Harvey copycat. Nilabas ni Steve ang itinatagong kulit at galing sa paggawa ng impromptu radio drama script!
On fire si Lovi Poe ng Pasig pagdating sa impersonation. Ginalingan din sa aktingan, sabay HOTaw! At may on the spot drama with the ‘Showtime’ family. Multitalented si Ate!
Muling nag-hello sa ‘Showtime’ entablado ang very pretty na si Kathryn Bernardo. O, kalokalike lang ‘yan, huwag malito! Pero kahit hindi siya ang orig, si Ate mo, give na give!
Madlang people ay humiyaw nang malakas nang kawangis ni Daniel Padilla ay lumabas. Tingan nga natin kung nasa kan’ya na ang lahat! Aba, mukhang nasa kan’ya na nga, dahil tindig, boses, at charisma, very Daniel Padilla!
After conquering the Olympic stage, sa “Kalokalike Face 4” naman susubok makakuha ng gintong medalya si Carlos Yulo. Mukhang happy naman ang mga hurado, lalo na si Gazini Ganados na napa-YOLO!
Matapos kilatisin ng mga hurado, inanunsyo na ang Top 3 for today na aabante sa Grand Finals sa Sabado. See you sa final face-off, Ariana, Daniel, at Carlos!
Dalawang boses naman ang nagharap para sa minimithing pangarap sa Tawag Ng Tanghalan The School Showdown.
Ang pambato ng Cebu City Don Carlos A. Gothong Memorial National High School, si Joli Fer Alcano, “Dito Ka Lang” ni Moira dela Torre ang kinanta sa entablado. Inspired by her idols, BINI, ready na mag-bloom si Joli Fer. Napansin ni hurado Teddy Corpuz na very emotional si Joli habang nagtatanghal. Dagdag ni Punong Hurado Louie Ocampo, shaky man sa simula, pero bumawi si Joli sa gitna.
Inspiring naman ang dating ni Russel John Libanan sa pag-awit ng “Ililigtas Ka Niya” ni Gary Valenciano. Natuwa si hurado Ogie Alcasid na hindi ginaya ni Russel ang isitilo ni Mr. Pure Energy, sa halip, ay naging unique ang kan’yang atake. Kaya naman, siya ay ‘ponkan’, as in ‘ponkan-tahan talaga.’ Ay, very Gladys Reyes ang comment ni Tito Ogs! Teka, huwag malito! TNT na ‘to, hindi na “Kalokalike.”
Si Russel ang nakakuha ng mas mataas na grado mula sa tatlong hurado. Siya ang pasok sa susunod na Preliminary round.
#ShowtimeFacesiklaban
#ItsShowtimeFullEp
#ABSCBNEntertainment
Информация по комментариям в разработке