Sana Ako Nalang Ulit - Curse One, Slick One, Kej's & Aprhyl

Описание к видео Sana Ako Nalang Ulit - Curse One, Slick One, Kej's & Aprhyl

PLEASE: Comment, Rate, Share & Subscibe.



DISC 2 - Track #11 Sana Ako Nalang Ulit (Lyric Video)
Curse One, Slick One, Kej's & Aprhyl
From the album " Breezy Boyz Meet Breezy Girlz "
Recorded at Planta Musika Recording Studio
Instrumental by J.E. Beats
Produced by Abaddon
For bookings, Guestings & Shows, Contact #0919-237-1329

For high quality audio, please buy the original C.D. only
at Lux HipHop Apparel 2nd Floor Yellowlane, Victorymall, Monumento.

http://www.facebook.com/pages/Thugszi...
http://www.facebook.com/pages/Breezy-...
http://www.facebook.com/pages/Breezy-...
http://www.facebook.com/beatprojebeat...


(Official Lyrics)

1st Verse: Curse One

Kantang mahiwaga ko ang nadarama
parang kailan lang ay kausap pa kita.
Isang tinig na naging buong mundo't buhay ay ikaw na nga.
Takpan ang mata, saking nakikita
may iba ka na pero ikaw pa rin talaga.
Naaalala mo pa ba ang mga pangarap natin non,
ang luha mo ay pumatak dahil sakin.
Alam kong nagkamali ako sayo at kahit na patawarin mo,
masyado ng alanganin ang bumalik ka pa sakin
Sana Ako Nalang Ulit...

Chorus: Curse One & Aprhyl

Kung maibabalik ko lang
ang panahon na nasayang
Ako ang dapat nasa pwesto nya
Sana Ako Nalang Ulit.
Kung alam ko lang,
edi sana tayo pa rin hanggang ngayon.
Pagbigyan mo lang ako
hindi ka na muling iiwan pa,
Sana Ako Nalang Ulit...

2nd Verse: Slick One

Dinulog sa langit at nagtanong kung bakit hindi agad na nakita,
kung kailan wala ka na, tsaka nadama, tsaka napapahikbing mag-isa.
Binibining humuhugis sa kalangitan, imahe mo palagi ang natatanaw,
madalas sa dating tagpuan, from me to let you know
na walang papares sayo at walang kawangis ang 'yong kagandahan
na kaytagal kong inaabangan na sana tayo nalang ulit ang magkasama.
Namimiss ka, kaybilis lang, lumipas na, kainis lang,
bumabalik sa akin ang napakasaya na makakiss ako
at makayakap ka sa tambayan natin lagi at palaging awitan ka
nang theme song nating nakakasawa na
paulit-ulit-ulit ang sabihan kang paulit-ulit
na mahal kita, walang iba at nag-iisa, sana tayong dalawa nalang ulit...

Chorus: Curse One & Aprhyl

Kung maibabalik ko lang
ang panahon na nasayang
Ako ang dapat nasa pwesto nya
Sana Ako Nalang Ulit.
Kung alam ko lang,
edi sana tayo pa hanggang ngayon.
Pagbigyan mo lang ako
hindi ka na muling iiwan pa,
Sana Ako Nalang Ulit...

3rd Verse: Kej's

Bakit ba ngayon ko lang naisip kung kailan huli na
ang lahat satin sinta, hindi na sana nagdurusa
ang puso na dati sagana sa pag-ibig mo.
Ngayon nasan ka na, wala na bang natitirang
pagmamahal sayo, tuluyan ka na bang lumayo
hindi na ba talaga pwede na maging akin ka ulit
kasi sakin ka naman at ako'y sayo nakalaan
Sana Ako Nalang Ulit...

Chorus: Curse One & Aprhyl

Kung maibabalik ko lang
ang panahon na nasayang
Ako ang dapat nasa pwesto nya
Sana Ako Nalang Ulit.
Kung alam ko lang,
edi sana tayo pa hanggang ngayon.
Pagbigyan mo lang ako
hindi ka na muling iiwan pa
Sana Ako Nalang Ulit...

4th Verse: Aprhyl

Parang kahapon lang ika'y nasa harapan ko pa
masayang lumilipas ang araw at gabi kasabay kita sa pagngiti
madaling mahuli ang bawat kiliti ng isa't-isa, miss na miss na kita.
Sabi ko naman sa iyo lahat ng mga nangyari
sa panaginip mo ay hindi malabo
ngunit hindi rin kita masisi kasi ako naman ang may kasalanan
hindi ko pa kasi kayang ibigay sayo lahat non
dahil meron pang nakaharang
sabihin man nating may namamagitan satin ngayon namang
malaya na ako at pwede ko ng ibigay sayo nang buo
ang pagmamahal ko, bumaliktad ang mundo, ikaw naman ang nalayo.
Ako nalang, ako nalang, Sana Ako Nalang Ulit, ako nalang ulit
gagawin ko na ang tama, hindi ka na iiwan pa at ipagpapalit,
Sana Ako Nalang Ulit, Sana Ako Nalang Ulit...

Chorus: Curse One & Aphryl

Kung maibabalik ko lang
ang panahon na nasayang
Ako ang dapat nasa pwesto nya
Sana Ako Nalang Ulit.
Kung alam ko lang,
edi sana tayo pa hanggang ngayon.
Pagbigyan mo lang ako
hindi ka na muling iiwan pa
Sana Ako Nalang Ulit...

Комментарии

Информация по комментариям в разработке