Gozo sa Milagrosong Sto. Niño ng Pandacan

Описание к видео Gozo sa Milagrosong Sto. Niño ng Pandacan

I have used the video from the Sto. Niño Parish - Pandacan FB Page. Please see below as I put the original link to give credit:

https://fb.watch/apkAlvyUfg/


Gozo sa Mahal na Poong Santo Niño de Pandacan

Sa ngalan mong sadyang tamis, Hesus kami'y nananalig.
Hesus kami'y kaawaan, Sa ngalan mo'y pakundangan.

Ang tunay na kinakunan ng larawan mong katawan
Ay sa hayop na lubluban gitna ng pulong Pandanan.
Dito nga ay tinayuan Ermitang iyong tahanan.

At nang Ikaw ay makuha ng mga bata noong una
Sa Sampalok ka dinala, Di naglao't nagbalik ka.
Sa lugar na kinakunan at ngayo'y kinalalagyan.

Muli kang dito'y kinuha ng kaginoohan at Kura
Inibig mo ring talaga na dito ay magbalik ka.
Siya na ngang pagkatanghal tamis ng iyong ngalan.

Tubig sa lugar na yaon ginawa nang isang balon
Kinakadlo kung mayroong humihinging iyong kampon.
Sa lubos mong kaawaan naging kagamutang tunay.

Isang babaeng nalumpo di gumaling na totoo
Kundi nagsadya sa iyo at naligo sa balon mo.
Sa pag-asa niyang tunay nakalakad kapagkuwan.

Gayon din ang isang bulag na sa iyo ay tumawag
Sa pagsisiyam ay kagyat ang mata niya'y nadilat.
Pagtawag sa iyong ngalan agad mo ngang pinakinggan.

At isa pang himala ipinakita mo sa madla,
umulan di ka nabasa, prusisyo'y iginagala. Nang matanyag na tunay ang iyong kapangyarihan.

Ang mga sakuna sa bayan sunog at madla pang bagay
Gayon din sa sawing pakay ng mga pusong sukaban
Kapag Ikaw ang humadlan natitimawa ang tanan.

Dahil sa awa mong ito kahit malayong totoo
Nilalakbay Ka ng tao panghahawak sa lingap mo.
Kaya't sa Iyong pangalan kaming lahat nananangan.

Kaya Hesus aming daing sa hirap ay timawain
Sakit at madlang hilahil ay kusa mong paligtasin
Sa amin po ngayong tanan na nasa Iyong harapan.

Kamatayang mahinusay at magandang kapalaran
Sa amin Iyong ibigay sa awa mo alang-alang
Upang matanaw din naman ang maligaya mong bayan.

Комментарии

Информация по комментариям в разработке