It’s Showtime October 3, 2024 | Full Episode

Описание к видео It’s Showtime October 3, 2024 | Full Episode

Tuloy-tuloy lang ang saya ngayong Oktubr-eyyy! Mag-enjoy tayo this Thursday sa isang fun, fun, fun bonding with the ‘Showtime’ family!

Eighteen days na lang, Magpasikat 2024 na! ‘Showtime’ hosts ay kabado at puspusan na ang paghahanda sa mga pasabog sa entablado. Pero wala pa mang “Magpasikat,” ang bisita natin today ay sikat na sikat na sa larangan ng musika.

Ika’y mapapa-‘yehey’ sa concert-like performance na hatid ni MRLD. Alamin din ang good news na kan’yang dala!

May mga nakaraan na masarap balik-balikan, lalo na ‘yung past na may dalang cash! Tuloy-tuloy lang ang history lessons at pamimigay ng papremyo sa “Throwbox.”

Madlang Hakot mula sa Barangay 439, Sampaloc, Manila, dumaan sa matinding sakuna. Pero hindi nawawalan ng pag-asa na sila’y muling makakabangon. Deserve nila na maglaro sa ‘Showtime’ studio ngayon! Isa sa kanila ay baker, makeup artist, machine operator, at delivery rider. Isa rin sa kanila ang sinuwerteng makuha ang lucky box na may throwback picture ni Ryan Bang! ‘Yan ay walang iba kundi si Nanay Bin, na nagpapa-order ng cakes online.

Hindi pa man umiinit ang laban, si Nanay Bin, maagang nabiyayaan ng idol n’yang si Kim Chiu. Dahil solid KimPau fan si Nanay, sagot na ni Kim ang instant 10, 000 pesos. Nag-abot din ng 5, 000 pesos si Jhong Hilario bilang tulong kay Nanay Bin, na isa sa mga nasunugan sa kanilang barangay.

Hindi man niya nasagot ang tanong sa “Super Box” round kung saan pinili n’ya ang “Triple o Sawi,” hindi rin naman siya luhaang uuwi, dahil sa mga blessings na bigay ng ‘Showtime’ hosts.

Birit na may kasamang ‘hugot’ ang sagot ng mga estudyanteng kumasa sa hamon ng “Tawag Ng Tanghalan The School Showdown.”

Present para ibandera ang pamantasan ng PHINMA UPANG College of Urdaneta, buong-pusong inawit ni Mark Roland Sabado ang “Lipad Ng Pangarap.” ‘Pag singing contest sa probinsya at school ang usapan, si Mark Roland ang kinatatakutan d’yan.

Pero, ang consistent honor sa paaralan, sa tanghalan ay hinirang na Top 1. Si Julie Ann Lianza ng Biliran Province State University, pinatunayan na siya ay small but terrible sa pagkanta ng “Rain.” Siya ang tinanghal na daily winner at lalaban sa susunod na ‘Prelims.’

#ShowtimeThursdEYYY
#ItsShowtimeFullEp
#ABSCBNEntertainment

Комментарии

Информация по комментариям в разработке