44 Gloc-9 Challenge Goodson Remix - Willa

Описание к видео 44 Gloc-9 Challenge Goodson Remix - Willa

Lyrics

Ako’y hindi magaling, may nais lang marating
Kasabay ng mga salitang gusto kong ihatid // dibale kung mapatid, isa yan sa kapalit, ng pinili kong lakaran na tulay at matawid

At, wala ng kaso kung sila ay magsi-lisan, hindi na bagong ako’y mag-isa sa kagipitan // magugulantang yung pinairal ang kakitiran, kung tama ang ‘yong layunin ilaban mo’t pagpilitan

Nagtaasan mga kilay, ng di sanay sa ingay, mula sa mga may abilidad na magpatunay // na kung sino ang may katas sya lang makakasilay, sa dating puti’t itim kung pano pintahan ng kulay

Subukan mong balasahin, sumisid ka sa ilalim, baka di mo pa natagpuan ang dapat mong hanapin // maugong ang karera, wag ka dyang magtutulog, madaming nakahelerang tiyak mga nambubusog

Pangkaraniwan, yan lang ang kinahiligan, sa paglubog ng mga bituin sino-sino ba ang maiiwan // at kahit magbingi-bingihan, o pilit mong pinipigilan, mananatili lang ang mga bakas ng durang binuga kong iiwan

At bakit daming paahon, daming pababa, daming tumalon, daming namangka // dami din na nakatengga sa makupad na madla, ang sangkap sa matamis na bukas ay pagtyatyaga

Kahit pa nakakaumay, at lakad pasuray suray, pumili ng maigi kung buhay ba o sa hukay // pilit na puputulin kung tubuan man ng sungay, at baka magkamali ng pwesto ang pagkahandusay

Malimit umararo umaraw o dumilim, masikip ba sa tugatog maari bang tumikim // pakapalan na ng apog ang dwelo na dumiin, ilapag mo pati pato kesa dun pa humiling

‘Di ‘to sa pagyayabang, dapat pa bang patunayan, igihan mo ang hakbang // di naman to paunahan, manakit man ang bagang sa kakabigkas ng tamang salita, di yan hadlang para di ka mabuhayan

At alam mong di ka dapat panghinaan, pag ika’y naiiwanan // kung kinulang ka sa gasolina wag mong pabayaan, natural lang mangapa, eh ano kung pagtawanan, kung huling halakhak ay sayo naman nakapangalan

DOWNSOUTH UNIT

Комментарии

Информация по комментариям в разработке