Sa Quarantine, Anong Gagawin? | Tula | HappyHome Library

Описание к видео Sa Quarantine, Anong Gagawin? | Tula | HappyHome Library

Kumusta po kayong lahat? Ang tula po ay isang paraan ng pagpapahayag ng damdamin. Ang mga tula pong naisulat ko ay pagpapahayag ng kabutihan at tapat na pagmamahal ng ating Panginoong Jesus. Karamihan po sa mga tulang ito ay naisulat noong panahon na pasimula ang pandemya. Ito po ay mga paalala sa paggabay ng Panginoon. Lubos ang pasasalamat namin sa Kaniyang pag-iingat. Tunay na ang buhay ay isang napakalaking biyaya.

Inspirasyon ko po ang ating Panginoon, pamilya, at mga kaibigan. Panalangin ko po na ang mga tulang ito ay makapag-paalala sa atin na hindi tayo nag-iisa. Magtiwala lamang tayo sa Maykapal at siguradong hindi Niya tayo iiwan at ang lahat ay malalampasan. Siya ang ating kalakasan.

P.S.
Baka nais mo ring subukang gumawa ng tula,
Magugulat ka na lang sa mga nasulat mong kataga,
Dalangin ko na ito ay makadulot ng saya at pag-asa,
Halika, kumuha ng papel at pluma para makapagsimula,
Kung iyong nais, pwede mo rin itong ibahagi sa iba,
I-comment mo lamang sa "comments section" sa ibaba, upang ito ay aming mabasa.

💌 Maraming salamat po. Pagpalain at gabayan tayo ng Diyos sa ating pag-aaral.

•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

💡Sa Quarantine, Anong Gagawin?

Pandemya ay narito na,
Ito'y nagpapaalala,
Na ang ating Diyos Ama,
Walang makahihigit sa Kaniya.

Sa Kaniya tayo magtiwala,
Kaniyang ibubuhos ang biyaya,
Pag-ibig Niya’y madarama,
Tayo’y huwag mawalan ng pag-asa.

Napakabuti ng ating Diyos,
Manalig tayo ng lubos,
Ang nararanasang unos,
Ay agad ng matapos.

Paggising ngayong umaga,
Kakaiba ang kasiyahang nadama,
Napagtantong ang hininga,
Ay napakalaking biyaya.

Bawat oras, bawat minuto,
Pag-ibig ng Diyos madarama mo,
Sa nararamdaman ng katawan mo,
Siya ang Dakilang Manggagamot na sumasaklolo.

Sa quarantine, anong gagawin?
Tayo’y lumuhod at manalangin,
Na maging handa sa muli Niyang pagdating,
Panginoon, kami po ay Iyong sagipin.

Original Composition by HappyHome Library
Written on April 23, 2020

•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

Poetry: Original Composition
Filipino/Tagalog:
   • POETRY: FILIPINO/TAGALOG  
Shorts:
   • SHORT VIDEOS: POEMS  

Bible: Our Guide
Bible Lessons:
   • BIBLE LESSONS  
Bible Verses:
   • BIBLE VERSES  
Shorts:
   • SHORT VIDEOS: BIBLE VERSES  

Connect with us:
YouTube:    / @happyhomelibrary  
Facebook:   / happyhomelibrary  

•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

Channel Description

Welcome to HappyHome Library! We're glad to have you here.

Our channel focuses on providing tutorial videos. Our mission is to encourage everyone to read the Bible because wisdom comes from God. Let's have a Bible in our home library and discover God's love for us.

Matthew 6:33 (NIV)
"But seek first his kingdom and his righteousness, and all these things will be given to you as well."

2 Timothy 3:16-17 (NIV)
"16All Scripture is God-breathed and is useful for teaching, rebuking, correcting and training in righteousness, 17so that the servant of God may be thoroughly equipped for every good work."

Our Playlists
▶️ Bible: Our Guide
▶️ Tips: Study Effectively
▶️ Tutorials: Filipino, English, Spanish, and Indonesian
▶️ Poetry: Original Composition

📝 HappyHome Library Study Formula (Pray and Have Faith + Repeat + Practice = Improve)

1. Pray and Have Faith

Proverbs 2:6 (NIV)
"For the Lord gives wisdom; from his mouth come knowledge and understanding."

James 1:5-8 (NIV)
"5If any of you lacks wisdom, let him ask God, who gives generously to all without reproach, and it will be given him. 6But let him ask in faith, with no doubting, for the one who doubts is like a wave of the sea that is driven and tossed by the wind. 7For that person must not suppose that he will receive anything from the Lord; 8he is a double-minded man, unstable in all his ways."

2. Repeat (Say or Study Again)

Repetition helps in the long-term retention of new information.

3. Practice (Share Your Knowledge)

Imparting information helps in knowledge retention.

•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

Credits
Free Canva Photo: "Pen And Notebook" by "Jess Bailey Designs" from Pexels
Music Provided by BGM President: "The Second Story" -    • [브금대통령](감성/아련/Love) 그때의 우리 : 두번째 이야기/...  

•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
#Quarantine
#Poem #OriginalComposition
#HappyHomeLibrary

Комментарии

Информация по комментариям в разработке