RECYCLED MATERIALS, GINAMIT NG MGA ESTUDYANTE PARA MAKABUO NG SOLAR POWERED VEHICLE | TV48 STATION

Описание к видео RECYCLED MATERIALS, GINAMIT NG MGA ESTUDYANTE PARA MAKABUO NG SOLAR POWERED VEHICLE | TV48 STATION

RECYCLED MATERIALS, GINAMIT NG MGA ESTUDYANTE PARA MAKABUO NG SOLAR POWERED VEHICLE

Gumawa ng mga solar-powered na electric vehicle ang mga senior students ng Mechanical Engineering ng Northwestern University sa Laoag City gamit ang mga recycled materials upang isulong ang paggamit ng renewable energy sa komunidad para makatulong sa kapaligiran, maiwasan ang polusyon at matugunan ang pagtaas ng gasoline.

Gamit ang mga pira-pirasong materyales ay binuo nila ang bahagi ng sasakyan na may limang rechargeable battery na kayang tumakbo ng hanggang 23.5 kilometers bago ito malowbat, habang aabot naman sa 30 kilometers kapag nakabukas ang solar panel nito.

Nagsimula umano ang pagpaplano ng mga estudyante sa pamamagitan ng pagbuo ng chassis habang ibinase naman ang istruktura nito sa isang owner-type jeep.

Binanggit ni Rolly Ramos, Department Head ng Mechanical Engineering ng naturang unibersidad, na ang proyektong ito ay bahagi ng culminating project sa thesis ng mga 4th year students para sa aplikasyon ng kanilang mga natutunan sa loob ng apat na taon.

Dati na rin daw nakagawa ng electric vehicle ang mga mag-aaral ng electrical engineering, kaya naging hamon sa mechanical engineering ang lumikha rin nito.

Gawa man ani Ramos sa mga recycled material ang sasakyan na binili ng mga estudyante sa junkshop ay ang pinakamahal na parte nito ay ang baterya, electric motor at solar panel.

Payo naman ng isa sa mga gumawa ng proyekto na si Efren Marquez Jr., para sa mga future mechanical engineering students na gumawa ng proyektong katulad nito na magsusulong sa paggamit ng renewable energy upang matulungang mailigtas ang mundo.

Dalawa pang proyekto ang kasalukuyang ginagawa ng mga estudyante tulad ng plastic shredder na tutugon naman sa problema sa basura sa unibersidad at Eco Hydro Project para sa street light.

Inaasahan din na makakagawa pa ng karagdagang solar-powered electric vehicle na magagamit ng mga estudyante at guro sa loob ng campus.

#balitangunangsigaw
#tv48station
#nuevaecija
#news

Комментарии

Информация по комментариям в разработке