It’s Showtime January 3, 2025 | Full Episode

Описание к видео It’s Showtime January 3, 2025 | Full Episode

Ngayong Year of the Snake, tutuka ang bibiya at lilingkis ang swerte sa lahat ng mababait at always feeling happy. Kaya ngumiti at think positive lang palagi para taon mo'y maging swerte.

Nagpasabog agad ngayong Enero ang forer TNT Kids finalist at ngayo'y theater actress na si Sheena Belarmino. Dua Lipa medley ba kamo? 'Yang ang kind of jamming na inihanda ni Sheena for today's video.

Blessed ang naging 2024 ng young songstress. Ang 2025 din niya ay magiging full of surprises! Mas gaglingan pa ni Sheena sa theater career niya. At nagsisimula pa lang ang taon, may booked and busy na agad si Sheena. Alamin kung ano'ng good news ang dala niya!

Mga breadwinners na handang isakripisyo ang sariling kaligayahan para sa pamilyang may pangangailangan, dito sa "And The Breadwinner Is" ay mabibiyayaan.

Pero simula pa lang ng laro, mukhang si Jackie Gonzaga na agad ang nabiyayaan ng kilig mula kay guest player Anjo Pertierra, na may baon na pick-up line para sa kan’ya. Lalaban ba si Darren Espanto sa pagalingan ng linyahan?

Pero hindi ‘to laro ng pick-up line, kundi paghahanap ng tunay na breadwinner na fish vendor. At para bigyan ng clues si Anjo, maaari niyang kilatisin ang tatlong trabahador sa pisikal na katangian, sa husay mag-debone ng isda at mga sagot sa iisang katanungan.

Tumpak si Anjo sa pagtaya niya kay Trabahador 1, Rodel, ang tunay na breadwinner na fish vendor. Masayahin si Rodel, na nakipagsabayan pa sa biruan with Vice Ganda and the ‘Showtime’ family. Pero sa likod ng mga ngiti ay matinding hirap at pagod ang pinagdadaanan ni Rodel sa trabaho para matustusan ang pangangailangan ng ina, kapatid, at mga anak. Bagama’t hindi na nakakasama ang iba niyang anak na kapiling na kani-kanilang ina, responsable naman si Rodel sa pagsusustento sa mga bata.

Marami man ang problema, dinadaan na lang ni Rodel ang lahat sa tawa. Ang importante, nagsisikap siya, at may positibong paniniwala na balang araw, buhay rin ay gaganda.

Ngayong unang Biyernes ng taon, muling magpapasikat ang mga estudyanteng gustong umangat sa Preliminary round ng “Tawag Ng Tanghalan The School Showdown.” Kaninong tinig ang mag-iingay at magiging lucky ngayong 2025?

Present para muling magpakitang gilas ang pambato ng Laguna State Polytechnic University, si Ysabelle Matias na kinanta ang OPM hit ni Jaya na “Wala Na Bang Pag-Ibig.”

Lumaban din para sa pangarap si Cards Espano ng Ibabang Talim Integrated High School. Hurado ay na-feel good sa pagkanta ni Cards ng Michael Buble classic na “Feeling Good.”

St. Thomas Academy ang ibinandera ni Alexa Laude sa entablado. Tutulay siya sa kan’yang pangarap sa pagkanta ng “Bridge Over Troubled Water.” Bagama’t dalawang beses nabilangan ni Punong Hurado Ogie Alcasid, nagpatuloy si Alexa hanggang matapos ang pagkanta.

Huling nag-perform ang pambato ng Lyceum of the Philippines University-Batangas na si Andrea Kamatoy na umawit ng “Adagio.”

Matapos ang laban, si Cards ng Ibabang Talim Integrated High School ang nagwagi. Siya ang aabante sa susunod na Midterms round.


#ShowtimeHappyNewEyy
#ItsShowtimeFullEp
#ABSCBNEntertainment

Комментарии

Информация по комментариям в разработке