NATULALA ANG KAPITAN NG BARKO NANG MAKAHARAP SA PERSONAL ANG DALAGA | love story Tagalog

Описание к видео NATULALA ANG KAPITAN NG BARKO NANG MAKAHARAP SA PERSONAL ANG DALAGA | love story Tagalog

Kwentong pag ibig full story | Tagalog true love | FULL STORY: NATULALA ANG KAPITAN NG BARKO NANG MAKAHARAP SA PERSONAL ANG DALAGA | love story Tagalog | kilig stories

Written by: J.P Ruiz
Narrated by: Sasa
Revised and rearranged by: Amihan

PREVIEW:
"Pero hindi naman ito pangarap lang. Totoong boyfriend mo ako, na tayo. At saka, maganda ka naman. Medyo matigas lang ang ulo mo at makulit, pero matalino ka rin naman kahit papaano," asar niya rito.

Sumimangot naman agad si Ysabel kaya tinawanan niya ito bago muling pinatakan ng halik sa labi.

"Nga pala, gusto mo bang mag ikot-ikot pag daong natin sa Rotterdam Port? May tatlong araw din tayong pahinga roon bago tayo bumalik ng Pilipinas," aya niya rito para mawala ang atensyon ni Ysabel sa pinag-uusapan nila.

Para namang mga bituin na kumislap ang mga mata ni Ysabel ng lingunin siya nito. "Pwede?"

"Oo naman. Kung gusto mo, pwede tayong mamasyal muna."

"Gusto ko!"

"Sige. Mag-isip ka na kung ano-ano ang mga gusto mong puntahan," aniya tapos ay niyakap pa ito ng mas mahigpit.

Mabilis naman na lumipas ang mga araw at dumating na ang pinakahihintay na araw ni Ysabel. Ngayong araw na ang pagdaong nila sa Rotterdam Port para ibaba ang mga kargang container ng barko nila at para na rin kumuha ng bagong supplies nila. Tulad ng sinabi sa kanya ni Leandro, tatlong araw nga ang stop nila sa Rotterdam at nakaplano na ang mga gagawin nila sa mga araw na iyon.

Simula rin kasi ng naging sila ay halos hindi na siya lubayan ni Leandro. Laging itong nakasunod kung nasaan siya. Lalo na pag tapos na ang oras ng trabaho nila.

Una nilang pinuntahan ay ang Maritime Museum Rotterdam, sunod naman ay ang The Cube Houses, bago ang Rotterdam's Market kung saan sila nananghalian, tapos ay nag ikot-ikot din sila sa Delfshaven bago sila pumunta ng Saint Lawrence Church. At bago matapos ang araw, sa Euromast naman sila para doon na rin kumain ng hapunan.

Tuwang-tuwa si Ysabel sa mga napuntahan nila na kahit masakit na ang paa niya sa kakalakad, mataas pa rin ang enerhiya niya para kulitin si Leandro.

"Come here," aya sa kanya ni Leandro, nakalahad ang palad nito sa kanya.

Lumapit naman agad siya rito at imbis na hawakan ang kamay nito ay yumakap siya sa nobyo.

"Ang lamig," aniya.

Niyakap naman siya pabalik ni Leandro. "Gusto mo lang maka-chansing, e."

"Wow! Ako pa? Sino kaya ang bigla-bigla na lang nanghahalik?"

Natatawang tinaasan naman siya ni Leandro ng kilay. "Parang lugi ka pa? Ayaw mo bang hinahalikan kita?"

Natawa naman siya. "Syempre, gusto! Hindi naman ako nagrereklamo, ah?"

"Ganun naman pala, e," ani Leandro sabay yuko para abutin ang labi niya para sa isang halik na bolta-boltahe ng kuryente ang hatid sa buong sistema niya.

"I love you," bulong ni Ysabel rito pagkatapos ng halik.

Ngumiti naman si Leandro at muli siyang pinatakan ng halik sa mga labi. "I love you more, Baby."

_____________________
Thanks to Keys of Moon Music | One Love by Serjo De Lua -   / keysofmoon  
His beautiful music is created under CC License

Комментарии

Информация по комментариям в разработке