It’s Showtime May 30, 2024 | Full Episode

Описание к видео It’s Showtime May 30, 2024 | Full Episode

Ang weather forecast natin today: Uulan ng good vibes at papremyo! Bubuhos din ang ‘hugot’ kasama ang singing father-daughter tandem nina Dingdong at Jayda Avanzado.

Kung napa-‘aww’ kayo sa viral video ng tinaguriang ‘face paint kid’ na si Lian, siguradong mapapa-‘wow’ naman kayo sa araw na ‘to. Dahil si Lian, naki-join sa “Karaokids.” Naka-bonding pa niya sina Argus, Kulot, Enicka, at Jaze.

Pero sa gitna ng kasiyahan, ang “Showtime” hosts, medyo nag-struggle sa hulaan. The competition is real sa pagitan ng mga magkakapares. Kaya naman nang masungkit ang ticket sa jackpot round, si Ogie Alcasid, proud sa kanyang winning moment. Napa-react tuloy ang mga opponent.

Hindi pa man nagsisimula ang kuwentuhan, naluluha na si Dos nang makaharap ang ex-gf, si searcher Nina, sa “EXpecially For You.” Tears of regret ba ito?

Cute ang naging ligawan nilang dalawa nang humingi si Dos ng tulong kay Nina sa pagbili ng aso. Ito pala ang paraan n’ya para mapalapit sa dalaga. Nag-organize rin siya ng surprise debut party para kay Nina. At kahit bago pa lang ang kanilang pagtitinginan noon, si Dos, agad ipina-tattoo ang pangalan ni Nina. All-out sa ‘da moves! Very sweet ‘di ba?

Hindi mo aakalain na si Dos may ka-chat na iba. Feeling single daw si kuya mo ‘pag kaharap ang ibang tao. Si Nina, nagpatawad no’ng una, hanggang sa tuluyan nang nanlamig at nawalan sila ng gana sa isa’t-isa. Ang four year-relationship, tuluyang nasira.

Binagyo ng talento ang “Tawag Ng Tanghalan The School Showdown.”

Unang sumabak sa entablado ang pambato ng Tagoloan Community College-Misamis Oriental na si Joseph Waminal. Kakaibang musical experience ang kanyang alay sa pag-awit ng Bisaya song na “Usahay.” Tulad ni Joseph, Physical Education din ang kurso ni Janno Macalintal ng Colegio ng Lungsod ng Batangas. Pag-ibig feels ang hatid niya sa pagkanta ng “Mahiwaga.”

Si Janno ang pasado sa araw na ‘to matapos makakuha ng mas mataas na grado mula kina hurado Ogie Alcasid, Jolina Magdangal, at Dingdong Avanzado.

#ItsShowtime
#ShowtimeYourHappiness
#ABSCBNEntertainment

Комментарии

Информация по комментариям в разработке