KURYENTE REVEAL VLOG #8 | BAHAY JEEP | ALPHA'S PERSPECTIVE

Описание к видео KURYENTE REVEAL VLOG #8 | BAHAY JEEP | ALPHA'S PERSPECTIVE

Para sa mga hindi nakakaalam at bago lang sa aming channel, kami ang isa sa pinakamabagal, pinaka makupad at pinakamatagal maglibot ng Pilipinas. Kasama ang aking anak at asawa pati na ang aming tatlong aso, tumira kami sa isang jeep at niyakap ang buhay sa loob nito.

Isang taon at syam na buwan buhat ng simulan naming buuhin ang bahay jeep ngunit ikaanim na buwan pa lamng mula ng aming full time na tirahan ito at nagpasyang iwan ang aming bahay at buhay sa Dasma, Cavite.

Sa video na tio ipapaliwanag ko sa inyo kung paano ang cr situation namin, paano ang kuryente at tubig namin at kung may bills pa ba kaming binabayaran kahit umaandar naman ang bahay namin.

Sa aming journey, hindi lahat pleasing to the eyes ang aming tanawin, nandyan ang walang sawang kalat sa loob ng jeep at walang katapusang pagliligpit.

Ayoko talagang ipakita ang mga ganitong eksena sa inyo "Noon" pero isa sa natutunan ko sa buong paglalakbay namin na mas madaling maging totoo kesa pekein ang buhay na meron kami.
kaya mas marami ang gumagabay sa amin kung ano ang dapat naming idagdag, tanggalin at baguhin. Nagkakaroon kami ng iba pang perspective na kung minsan nari-realize lang namin dahil sa mga comments nyo kaya nagpapasalamat ako sa lahat ng taong sumusubaybay at nag-iiwan ng comment sa aking mga videos.

Ngayong araw nga pala ay tulog pa kami pero bumyahe na ang Bahay Jeep, si Antet ang gumabay Kay Ramir kung saan kami pupunta, sya ang namalengke at sya rin ang nakipag-usap sa paparadahan namin. Habang kaming lahat ay tulog pa, sila ni Ramir ay abala para magkaroon na namin tayo ng magandang adventure.

Комментарии

Информация по комментариям в разработке