Baron Geisler x Jiro Manio | Tao Lang

Описание к видео Baron Geisler x Jiro Manio | Tao Lang

Parehong nalulong sa droga.
Parehong tanyag sa industriya ng showbiz at takilya dahil sa husay at galing sa pag-arte.
‘Tao Lang’ — nagkakamali. Pero parehong nagbago.

Isang tunay na usapan ang magaganap sa paghaharap ng parehong award-winning actors na sina Baron Geisler at Jiro Manio tungkol sa iba’t-ibang bahagi ng kanilang mga buhay ngunit hindi bilang isang artista kung hindi bilang mga tunay na tao.

Sa pagtanggal ng kanilang mga maskara ay mabubuksan ang usapan sa kanilang mga unang pagtatagpo sa showbiz industry at una na dito ang kanilang proyekto na ‘Tayong Dalawa’ na kung saan ay isisiwalat nila ang isa sa hindi nila malilimutan na alaala. Ano ang mga pangyayari sa likod ng kamera noong mga panahon na iyon?

Walang takot na tanungan at hindi sa pa-showbiz na paraan pag-uusapan ang drug addiction na minsan nang sumira sa buhay ng dalawa. Bahagi na rin dito ang mga Baron Geisler controversies noon at pati na rin ang NAIA airport incident ni Jiro Manio.

Bukod sa pintuan ng showbiz, isa rin sa mga pintuan na kanilang pinasukan ay ang Rehabilitation Center. Parehong paglalakbay ngunit magkaibang karanasan. Tunghayan ang kanilang mga hirap at pasanin sa kanilang redemption journey.

Muling pinagtagpo ng landas ang dalawa sa isang pagkakataon, ano nga ba ang mga bagay na hindi pa alam ng mga tao sa addiction?

Makakatulong ba ang pagkakataon na ito upang muling makabalik si Jiro Manio sa showbiz?

Produced By: Scott Media Production Corporation

Don’t forget to Like, Follow, and Support us on our socials!

Facebook:   / maritesuniversity  
TikTok:   / maritesuniversity  
IG:   / maritesuniversity  
Twitter:   / maritesuniverse  
Official Website: https://www.maritesuniversity.com

#BaronGeisler #JiroManio #TaoLang #MaritesUniversity

Комментарии

Информация по комментариям в разработке