[2025 NLE Voter Registration] Application for Reactivation of Registration Record

Описание к видео [2025 NLE Voter Registration] Application for Reactivation of Registration Record

Ikaw ba ay isang rehistradong botante ngunit nadeactivate at nawala sa listahan dahil dalawang beses na magkasunod o higit pa na hindi nakaboto?

Kung oo ang sagot mo, pwede ka na magfile ng APPLICATION FOR REACTIVATION OF REGISTRATION RECORD sa Opisina ng Election Officer sa inyong lugar o anumang Satellite/Mall o Register Anywhere Program Sites.

Lagyan lang ng check sa CEF-1 Application Form ang oval para sa APPLICATION FOR REACTIVATION OF REGISTRATION RECORD pati na rin ang angkop na rason kung bakit nadeactivate ang iyong registration record.

Bukod sa CEF-1 Application Form, magdala rin ng:
✅ Valid ID
✅ Certification, Court Order, o anumang dokumento na nagpapatunay na ang rason ng deactivation ay hindi na umiiral.

Available ang CEF-1 Application Form sa mga Opisina ng Election Officer (OEO) o maaari itong i-download sa https://comelec.gov.ph/?r=VoterRegist....

Voter Registration Period
February 12, 2024 - September 30, 2024
Lunes - Sabado kabilang ang holidays (liban sa Marso 28, 29, at 30, 2024)
8:00 a.m. - 5:00 p.m.

Ang iyong #KarapatangBumotoSimulanSaPagpaparehistro kaya #MagpaRehistroKa!

#COMELEC
#2025NLE
#VoterRegistration

Комментарии

Информация по комментариям в разработке