Bakasyon Grande - Yah Bles (OFFICIAL MUSIC VIDEO)

Описание к видео Bakasyon Grande - Yah Bles (OFFICIAL MUSIC VIDEO)

#reggae #bakasyongrande #musicvideo

Hi guys eto nga pala ang aming first ever music video ng aming song na Bakasyon Grande sana magustuhan nyo ang aming ginawa para sa iyo.

GANJI - Vocal/Composer
GRAY - Lead Guitarist
DEEJAY - Drummer
JAM - Bassist
JON - Keyboard/Producer

Videographer - Kiwi Santos


LYRICS

Chuwari-wariwap chuwariwap-pa, chuwariwari wariwap

Chuwari-wariwap chuwariwap-pa, chuwariwari wariwap

Chorus:
Samahan mo kong magbakasyon, mag bakasyon tayo ng buong taon, kalimutan ang problema at lahat ng 'yong konsumisyon, mag relax at mag saya ang tangi nating misyon.
Samahan mo kong mabakasyon, mag bakasyon tayo ng buong taon, kalimutan ang problema at lahat ng 'yong konsumisyon, mag relax at mag saya ang tangi nating misyon.


Verse 1:
Sarap tumambay sa ilalim ng luntiang puno habang may mga ibong nag aawitan,
at sa di kalayuan may mga matatanaw pang bulaklak at halaman na tila sumasayaw, sumasabay sila sa saliw ng tugtugin, na dulot ng banayad na haplos ng hangin, ang batis ay malinaw pwede pang mag tampisaw, habang sa ulap nakadungaw na si haring araw.
Pwede rin sa dagat tayong magpunta, nag aabang na ang buhangin na humalik sayong paa, dalampasigan ay kinakamusta ka, antagal nyang di nakita ang ngiti sayong mga mata,
Pag lubog ng araw sya nama'ng sumilip, liwanag ng buwan parang tagpo sa panaginip, tanglaw din natin ang apoy na pampainit, habang humihingi ng payo sa mga bitwin sa langit,


Chorus:
Samahan mo kong mabakasyon, mag bakasyon tayo ng buong taon, kalimutan ang problema at lahat ng 'yong konsumisyon, mag relax at mag saya ang tangi nating misyon.
Samahan mo kong mabakasyon, mag bakasyon tayo ng buong taon, kalimutan ang problema at lahat ng 'yong konsumisyon, mag relax at mag saya ang tangi nating misyon.

Verse 2:
Halina't ating akyatin ang ibabaw ng bundok, habang minamasdan ang hiwaga ng hamog, paligid na maginaw, medyo nakakaantok, mag titimpla nako ng kape sabay magpapausok, ilabas mo na ang gitara, maglatag ng lamesa, habang may nag iihaw ng Lliempo at Tilapia, toldang sisilungan, pwede nang tulugan, saan kaya pwedeng isabit ang bitbit na duyan?

Bridge: Huwag sanang sasanggi, sa isip umuwi, dito sa paraiso gusto sana'ng mag lagi, huwag mag alala kung kapos sa salapi, kung sa tunay na kaibigan ikaw ay bawing bawi, Kahit pa naka kotse, motor, barko, eroplano, mas ok nga siguro kahit na hindi mag plano, ipagpaliban mo na muna ang 'yong trabaho, sa sobrang sipag mo kailanagan mo ng ganito, oh ohh oh ohh, kaya samahan mo akooo oh ohh
kaya samahan mo akoooo. iwanan natin ang guloo oh oh ohhh.

Chorus (Outro):
Samahan mo kong mabakasyon, mag bakasyon tayo ng buong taon, kalimutan ang problema at lahat ng 'yong konsumisyon, mag relax at mag saya ang tangi nating misyon.
Samahan mo kong magbakasyon, mag bakasyon tayo ng buong taon, kalimutan ang problema at lahat ng 'yong konsumisyon, mag relax at mag saya ang tangi nating misyon.

Chuwari-wariwap chuwariwap-pa, chuwariwari wariwap

Chuwari-wariwap chuwariwap-pa, chuwariwari wariwap

Комментарии

Информация по комментариям в разработке