Dalit kay San Roque

Описание к видео Dalit kay San Roque

Mga Dalit Kay San Roque

1. Aba matibay na moog
ng taong nagasasalot.
Ampunin mo kami’y kupkop
San Roqueng kapalara’y puspos.

2. Araw na ipinanganak ka
Sa katawan mo’y nakita
Tandang isang krus na maganda,
Buhay mong banal na sadya.

3. Sa sikmura’y isang krus
Ang ikinintal ng Diyos
Ampunin mo kami’y kupkop
San Roqueng kapalara’y puspos.

4. Pagkawili mong mataman
Sa reina ng kalangitan
Tanang adhika mong asal,
Siya ang tinutularan.

5. Bata ka pa’y naghahandog
ng pagpapakarayukdok
Ampunin mo kami’y kupkop
San Roqueng kapalara’y puspos.

6. Nang ikaw ay maulila
Binahagi mo pagdaka,
Yamang sa dukhang lahat na
Sa ama’t ina mo’y mana.

7. Alab ng sinta sa Diyos
Ang puso mo’y nalilipos.
Ampunin mo kami’y kupkop
San Roqueng kapalara’y puspos.

8. Nagdamit kang peregrino
Aduapendente’y tinungo
Doo’y ang natagpuan mo
Namuksang salot sa tao.

9. Kusa kang nakipanggamot,
Nag-alaga sa nasasalot.
Ampunin mo kami’y kupkop
San Roqueng kapalara’y puspos.

10. Ang salot sa iyong harap,
Napapawing agad-agad
Himalang ito’y natatap
Sampong bagsik mo pang lahat.

11. Ang sa ngalan mo’y tumuos
Gumagaling na tibuhos.
Ampunin mo kami’y kupkop
San Roqueng kapalara’y puspos.

12. Ang sambayanang Cecena
Gayon din ang taga-Roma
Sa iyo’y kinamtan nila
Isang bayaning pagsinta.

13. Paglipol doon ng salot
Lubhang kakilakilabot.
Ampunin mo kami’y kupkop
San Roqueng kapalara’y puspos.

14. Ibinuyo ka ng sinta
Na pasa-bayang Placencia,
Pinagaling ang lahat na,
At doo’y nagkasakit ka.

15. Pinaalis ka’t ibinukod
Dahil sa sakit at salot.
Ampunin mo kami’y kupkop
San Roqueng kapalara’y puspos.

16. Sa tahanan mong dampa,
Diyos, ika’y kinalinga,
Gumaling ka kaipala,
Himalang tantong mistula.

17. May aso na nagdudulot
Kanin mong ikabubusog.
Ampunin mo kami’y kupkop
San Roqueng kapalara’y puspos.

18. Katawan mong natitigib
Ng madlang pagal at sakit
Ibinilanggo at piniit
Sa bintang at maling isip.

Lalaki, babae’t bata
Nagsisigaling na pawa
Ang Krus kung iyong itala
Sa damit nila’y ilagda.

15. Anila’y anghel kang lubos
Nag-aanyong taong busabos
Ampunin mo kami’y kupkop
San Roqueng kapalara’y puspos.

16. Katawan mong natitigib
Ng madlang pagal at sakit
Ibinilanggo at piniit
Sa bintang at maling isip.

17. Limang taon mong sinayod,
Hirap na kalunos-lunos.
Ampunin mo kami’y kupkop
San Roqueng kapalara’y puspos.

18. Ngunit ang Diyos na hari
May layong nakahihili,
Pagsubok sa iyong budhi
Lakas namang di ugali.

19. Sa piita’y naging bantayog
Sa biyaya ay nalipos
Ampunin mo kami’y kupkop
San Roqueng kapalara’y puspos.

20. Nakita sa isang barlaya
Nalilimbag, natatala
Ngalan mo’y pag sinambitla
Ang salot ay nawawala.

21. Nang di kami mangasalot
Ngalan mo’y ibinabantog.
Ampunin mo kami’y kupkop
San Roqueng kapalara’y puspos.

22. Aba matibay na moog
ng taong nagasasalot.
Ampunin mo kami’y kupkop
San Roqueng kapalara’y puspos.

Комментарии

Информация по комментариям в разработке