FULLY COORDINATED PERO HINARANG PARIN NG MARINES

Описание к видео FULLY COORDINATED PERO HINARANG PARIN NG MARINES

Commander Mohammad Kiblanzed P. Sharifah, Son of late Gen. Hji. Bensaleh Panay Sharifah.

Dadalo sana ang Tropa ng SAWDARA & FIELD MARSHAL BNAF MNLF sa Camp Omar Moctar, Gadungan Sapad, Matanog, para sa gagawing Solidarity Activity & Iftar Program for the Month of Ramadhan for the MNLF,

Ngunit Hinarang ito ng MARINE BATTALION LANDING TEAM 2 (MBLT-2) PN, malapit sa CROSSING NITUAN, PARANG,, MAGUINDANAO DEL NORTE, upang pahubarin ng uniform ang tropa ng SAWDARA & FIELD MARSHAL BNAF MNLF. Dahil ayon kay LT. Gil ay hindi pinapayagan ng MBLT2 ang MNLF na dadaan sa kalsada na naka Type-A uniform. Ayon sakanila ay makakadaan lang ang MNLF kung ito ay maghuhubad ng uniform. Sinagot sila ni Chief Cmdr Mohammad Kiblanzed P. Sharifah, na hindi pwede na maghubad kami ng uniform dito lalo na't mayroon kaming Coordination Letter, at ano sa palagay ninyo kung kayo ang dadaan sa kampo namin at pahubarin din namin kayo ng uniform, ano ang mararamdaman ninyo.

Nakasulat naman sa Coordination Letter Na dadaan ang tropa ng SAWDARA & FIELD MARSHAL BNAF MNLF na naka Complete Type-A Uniform at tinanggap naman ito ng Mismong Battalion.

Ngunit hinarang parin ito ni Lt. Gil, dahil Ito daw ay Order mula sa Brigade ngunit ng gusto ng Kausapin ng Chief Commander ng SAWDARA & FIELD MARSHAL BNAF MNLF ang sinabi nitong Brigade Commander sagot ni Lt. Gil wala daw itong Contact sa Brigade.

Tinanong Ulit ni Chief Cmdr Mohammad Kiblanzed Panday Sharifah si Lt. Gil kung sino ang Opisyal na Pweding makausap Tinawagan naman nito ang Kanyang Senior Officer na si Major Rogin Toledo.

Lumipas ang isang Oras Dumating nadin ang Nasabing Opisyal.

Rason nang nasabing Opisyal kaya kayo Hinarang Dahil Baka matakot o Ma Alarma ang mga Civilian, Sagot naman ni Chief Cmdr Mohammad Kiblanzed Panday Sharifah, na kung yon ang Iniisip niyo, mas mabuti pang Samahan niyo nalang kami papunta sa Kampo para walang masamang mangyari at para makita ng mga Civilian na ang MNLF at ang Philippine Government ay Magkakampi.

ito ay ayon sa Final Peace Agreement na nilagdaan ni Pangulong Fedel V. Ramos Noong September 2, 1996.

Комментарии

Информация по комментариям в разработке