PAANO MAG BUDGET PARA MAKA IPON | SIMPLE TIPS PARA MAKA IPON | 7 PRACTICAL HOME SAVING | TIPID TIPS

Описание к видео PAANO MAG BUDGET PARA MAKA IPON | SIMPLE TIPS PARA MAKA IPON | 7 PRACTICAL HOME SAVING | TIPID TIPS

PAANO MAG BUDGET PARA MAKA IPON | SIMPLE TIPS PARA MAKA IPON | 7 PRACTICAL HOME SAVING | TIPID TIPS

Gusto mo bang madagdagan yung ipon mo pero hirap kang mapag kasya yung household budget mo?

Here are 7 practical household saving tips:

1. Create a Weekly or Monthly Budget Plan and Stick With It.
Importante na mayroon tayong household budget para may idea tayo kung sasapat ba yung ating monthly income sa ating monthly expenses. Sa pamamagitan din ng pagba-budget, malinaw mong makikita ang IN & OUT ng iyong pera. Kailangang ilista natin lahat ng expenses natin para makita natin kung saan pa tayo pwedeng maka-save.

Maari kang gumamit ng mga mobile apps or google sheets sa pagawa ng iyong budget. Pwede rin yung simpleng notebook lang kung dun ka mas kumportable. Ang importante, magkaroon ka ng budget.

Walang perpektong budget pero dapat at least hindi lalayo dun sa amount na finorecast natin. From time to time, mag iiba yan, katulad halimbawa ng budget natin para sa kuryente, normally mas malaki yung kunsumo natin kapag summer kase halos maghapon yung aircon o electric fan natin. Kaya kailangan nating i-review yung ating budget at i-adjust natin ito base sa ating mga basic needs.

2. Always pay your bills on time
Sikapin natin na lagi tayong makabayad ng mga bills natin on time. Mapa credit card man yan, tubig, kuryente, landline, magbayad tayo sa oras para makaiwas tayo sa mga late payment fees and reconnection fees.

3. Save energy & water
Alam mo bang malaki ang masi-save natin sa simpleng pag-unplug ng mga appliances natin kung hindi natin ito ginagamit? Yung ating mga TV, stereo, computer - nagko-consume sila ng energy kahit naka switch off sila kaya ugaliin nating i-unplug yung mga appliances natin kung hindi natin sila ginagamit. Kung may airconditioner tayo, malaking katipiran din kung naka set lang yung thermostat ng hindi bababa sa 24 degrees.

4. Fix all water leakage even if they are just small
Huwag na nating hintaying pang lumala yung mga pa-konti konting tubig na nagli-leak, bukod sa nakaka-dagdag yan sa water consumption natin, mas malaking gastos in the future kapag lumala ang problema.

5. Declutter and sell unused items
Marami ka bang gamit sa bahay mo na ilang buwan ng nakatago lang sa cabinet mo? Yung tipong napabili ka lang dahil uso, katulad halimbawa nung Nutribullet mo na isang beses mo lang naman ginamit, o di kaya yung mga damit na isang beses mo lang naisuot. Pwede mo silang ibenta online, marami na ngayon ang bumibili ng mga pre-loved items na in good condition pa or slightly used. Bukod sa mababawasan na ang clutter sa bahay mo, magkakaroon ka pa ng extra income mula sa online selling mo na maari mong idagdag sa iyong savings or emergency fund.

6. Buy things in bulk
Malaki ang masi-save natin dun sa mga items na naka promo, lalo na sa mga non-perishable items tapos regular nating ginagamit katulad ng mga toiletries, detergent powders at iba pang cleaning products. Kapag nag grocery ako at nakita kong naka promo yang mga yan, eh binibili ko na, kase ang laki talaga ng natitipid mo.

7. Shop Smart by Creating an "Active Shopping List"
Nangyari na ba sa yo yung may binili kang item tapos pagdating mo sa bahay, meron ka pa palang stock nung item na yun sa cupboard mo? Gumawa ka ng "active shopping list" kung saan, every time na may item na paubos na, ililista mo na kaagad, para kung ano lang yung kailangan mo, yun lang talaga ang bibilhin mo kapag nag-grocery ka. Sa ganitong paraan din, makakaiwas ka sa impulse buying.

Comment below kung may alam ka pang ibang household saving tips para mas maka ipon tayo.
Please like, share & subscribe kung na-inspire ka sa video natin ngayon.

Thumbnail created using CANVA | https://www.canva.com/join/mnm-yjs-zjx

Videos and Photos are from https://www.pexels.com | The best free stock photos & videos shared by talented creators.

Videos and Photos are from https://pixabay.com | Over 1.8 million + high quality stock images and videos shared by talented community.

Stock footage provided by videvo: http://www.videvo.net

#practicalhouseholdsavingtips
#paanomagbudget
#tipidtips
#paanomakaiponngmabilis
#paanomagbudgetparamakaipon
#paanomakatipid
#praktikalnaparaanparamakatipid
#ipontips
#praktikaltipidtipssabahay
#tipidtipssabahay
#praktikalipontipssabahay
#simpletipsparamakaipon
#simplengparaanparamakaipon
#paanomagbudgetatmakaipon

Комментарии

Информация по комментариям в разработке