It’s Showtime November 29, 2024 | Full Episode

Описание к видео It’s Showtime November 29, 2024 | Full Episode

Dalawang araw na lang, December na! It's the most wonderful time of the year. Kung may plot twist na hinihintay bago matapos ang taon, ilaban mo pa 'yan, dear! Pero kung choice mo ang malamig na Pasko, 'Showtime' family muna ang magbibigay ng lambing sa'yo.

Ito ang unang pampakilig—isang sweet na kantahan with TNT Year 5 Champ, Reiven Umali, na may handog na harana para sa mga binibini.

Wala sa edad ang pagkakaroon ng responsibilidad. Pero huwag kalimutan na ang sarili'y mahalin din. At para sa mga blessed na magkaraoon ng mabuting breadwinner sa family, huwag kalimutan na sila’y i-appreciate at ipagmalaki.

Dito sa “And The Breadwinner Is,” let us celebrate ang mga bagong bayani, silang ibubuhos ang lakas para sa pamilyang minamahal nang wagas.

Bumuhos din ang kilig at good vibes, thanks to Jarren Garcia of “PBB Gen 11.” Ang task niya, mga Breadwinnables ay kilatisin, at ang breadwinner na tour guide ay hanapin.

Ang ‘Showtime’ family, nag-enjoy sa mini-tour sa Luneta Park, Vigan, at Bohol. Kanya-kanyang paandar at pagalingan ang tatlong Trabahador. Pero after three rounds, si Trabahador 1 ang tinayaan ni Jarren, bagama’t Trabahador 3 ang pulso ng kan’yang partner-player.

May mangilan-ngilan na tumama ang hula, samantalang si Jarren ay nabigla nang malaman na si Trabahador 2, Marie, pala ang hinahanap na breadwinner-tourist guide.

Ang kwento ni Marie, sumasalamin sa mapait na karanasan ng maraming breadwinner na handang talikuran ang sariling kaligayahan para sa obligasyon sa pamilya. Sabi nga n’ya, hindi n’ya ipagpapalit ang responsibilidad bilang breadwinner para lang sa lalaki, kahit kapalit nito ay ma-heartbroken nang ilang ulit. Pero madalas, pakiramdam ni Marie ay walang patutunguhan ang kan’yang hirap at pagod, kaya sa bote ng alak na lang nagapakalunod.

Lahat ay gustong maging winner pero isa lamang ang aangat sa 32nd Preliminary Round ng “Tawag Ng Tanghalan The School Showdown.”

Ang pambato ng Visayas State University, ready to slay! For the old souls out there, pakinggan ang pagkanta ni Sarci Polea ng “You Don’t Have To Say You Love Me.”

Mula naman sa University of Mindanao Tagum College, isang kilig harana ang baon ni Chester Gultia. Talagang perfectly romantic ang kan’yang pagbirit ng “Here’s Your Perfect.”

Ala-pop star naman ang performance ni Saint Michael’s College of Laguna representative Alexandra Caido, na umawit ng “Forever’s Not Enough” sa entablado.

Last but definitely not the least, present this Prelims ang bet ng Lemery Colleges, si Zandy Bernaldez na ibinuhos ang best sa pagkanta ng “Makita Kang Muli.”

Sa round na ‘to, si Zandy ang naging Top 1. Siya ang aabante sa susunod na Midterms!


#ShowtimeAngGustoKo
#ItsShowtimeFullEp
#ABSCBNEntertainment

Комментарии

Информация по комментариям в разработке