BOYFRIEND, NAIS BAWIIN ANG PLANTSA, HANGER ATBP SA EX NIYA. SABI NI GIRL, NO WAY! KANYA NA RAW YON!

Описание к видео BOYFRIEND, NAIS BAWIIN ANG PLANTSA, HANGER ATBP SA EX NIYA. SABI NI GIRL, NO WAY! KANYA NA RAW YON!

Hindi lang gustong makipagsoli-an ng kandila si Bryan sa kanyang ex-partner na si Bianca, kundi soli-an din ng regalo, pati hanger hindi pinatawad!

Tuluyan ng nakipaghiwalay si Bianca kay Bryan matapos umanong mahuli niya ito ng ilang beses na may ka-chat na iba. Ngayong wala na sila, gusto ni Bryan bawiin ang mga naibigay niya kay Bianca. Relo, rubbershoes, pati ang mga binigay niya sa anak ni Bianca gusto niyang maibalik sa kanya.

Ayaw pumayag ni Bianca dahil halos bayad na din niya ang mga ito dahil siya ang madalas na tumutustos sa pangangailangan ni Bryan kapag siya ay walang panggastos. Gusto din ni Bianca na ibalik ni Bryan ang susi ng kanyang bahay para hindi na ito muling makabalik pa sa kanyang poder.

Minarapat ng programa na sila ay pagharapin na lamang sa barangay upang isaayos ang pagbabalik ng mga gamit at susi. Pinayuhan din ni idol na huwag ng bawiin ni Bryan ang kanyang mga naibigay. Maliban sa mismong si Bryan ang nagkusang nagbigay nito, wala din siyang habol dahil wala naman silang kasundaan na nagsasaad na ibabalik ni Bianca ang mga gamit kung sila ay maghihiwalay.

Youtube: http://bit.ly/1RaffyTulfoOfficialYoutube
Facebook: http://bit.ly/RaffyTulfoOfficialFacebook
Instagram: http://bit.ly/RaffyTulfoOfficialInsta...
Website: http://bit.ly/RaffyTulfoOfficialWebsite

Комментарии

Информация по комментариям в разработке