BAGUHIN ANG PANANAW PARA MABAGO ANG TANAW - Homily by Fr. Danichi Hui on Dec. 15, 2024

Описание к видео BAGUHIN ANG PANANAW PARA MABAGO ANG TANAW - Homily by Fr. Danichi Hui on Dec. 15, 2024

BAGUHIN ANG PANANAW PARA MABAGO ANG TANAW - Homily by Fr. Danichi Hui on Dec. 15, 2024

December 15, 2024 | Sunday
Readings:
Zephaniah 3:14-18; | Isaiah 12:2-3, 4, 5-6; | Philippians 4:4-7; | Luke 3:10-18;

Story: Isang araw nagkayayaan “mag-outing” sa Baguio ang siyam magkakatrabaho. Sila ay rumenta ng isang van bilang kanilang sasakyan. Dahil kasya pa sa sasakyan, nag-aya pa ng isang kaibigan ang isa sa katrabaho.

Nang dumating ang inanyayahang kaibigan agad itong sumakay sa van. Ngunit hindi agad siya nakapasok gawa nang madaming gamit. Sinabi nito, masikip na. Ngunit ang katrabahong nagimbita umurong ng kaunti sabay sabing, kasya pa. At nakaupo ang kaibigang inimbitahan.

Bago dumiretso sa Baguio napàgkasûnduan ng mga magkakatrabaho na dumaan muna sa Manaog para makapagsimba at magtanghalian. Umorder sila ng papaitan bilang kanilang pananghalian. Paghigop nang kaibigang inimbitahan, agad nitong nasabi, “ang pait naman.” Humigop din ang magkakatrabaho, at nasabi nilang “ang sarap nang init ng sabaw.”

Natapos ang pananghalian at dumiretso na sila ng Baguio. Pagdating sa Baguio, dali-dali silang namasyal. Pagbaba ng sasakyan, agad nasabi ng kaibigang inimbitahan, “ang init naman, parang Maynila lang naman pala.” Ngunit ang nasabi ng magkakatrabaho, “ayos, hindi natin kailangan ng makapal na jaket.”

Sa katapusan ng outing, sino sa tingin ninyo ang umuwi ng masaya? Ang magkakatrabaho na nagkayayaan mag outing, o ang kaibigan na inaya lang sa outing?

Moral Lesson: Minsan ang sitwasyon ay nagbabago dahil may ginagawa tayong kakaiba. Pero madalas ang sitwasyon ay nagbabago dahil ang pananaw natin ay iba.

Introduction: Mga kapatid, tayo ngayon ay nasa ikatlong Linggo na ng Adbiyento o kilola sa tawag na “Gaudete Sunday”. Ang salitang gaudete ay nanggaling sa salitang Latin na ang ibid sabihin ay magalak o sa ingles “rejoice”.

Kaya naman tinuturuan tayo ng mga Pagbasa natin kung paano magkaroon ng galak.

Biblical: Sa ating Ebanghelyo, tinatanong ng mga tao si Juan Bautista kung ano ang kanilang gagawin? Ang sabi ni Juan, “Kung mayroon kang dalawang baro, bigyan mo ng isa ang wala. Ganyan din ang gawin ng mga may pagkain,”

Ang sabi niya sa mga Publikano, “Huwag kayong sumingil nang higit sa dapat singilin.”

Pinagsabihan niya ang mga Kawal, Huwag kayong manghihingi kaninuman sa pamamagitan ng pamimilit o ng pagpaparatang ng di totoo; masiyahan kayo sa inyong sahod,”

Reflection: Isa lang ang tinuturo sa atin ni Juan Bautista, baguhin ang pananaw at magbabago ang tanaw. (Change your perspective and you will change your view)

Ito ang pwedeng gawin para magkaroon ng galak, ang baguhin ang pananaw. Gaya na lang ng halimbawa ni Juan, madalas ang tao kapag dalawa lang ang baro malungkot. Dahil ang tao magaling magbilang (Kaunti nga lang ito. Sa akin lang kulang pa. Hindi ito kakasya.) Yan ang pananaw ng karamihan.

Ang hindi natin nakikita ay yung mga taong walang baro. Hindi natin nakikita ay mabuti pa’t dalawa ang ating baro, dahil wala ang iba. Kung makikita lang natin na ang iba ay wala, hindi malayong dapat magalak pa tayo sa dalawang baro.

Kaya ang sabi ni Juan, ibigay mo ang isa sa wala at magkakaroon ka ng galak.

Ganun din sa sumisingil ng higit. (May kilala ba kayong sumisingil ng higit?) Kaya kumukuha ng sobra ay dahil hindi nakikita ang sariling pera. (Kulang pa ba? O gusto mo lang ng sobra-sobra?)

Sa mga taong nanghihingi ng pilit, sinasabi ni Juan, masiyahan sa sariling sahod. Kung bakit nanghihingi ay dahil hindi makuntento sa sariling kinikita.

Gaya na lang nang kaibigan sa aking kuwento, wala na siyang ginawa kundi ang magreklamo (masikip, mapait, mainit) dahil doon niya itinuon ang kaniyang pananaw kung kaya’t iyon lang din ang kaniyang natatanaw.

Mga kapatid, ngayong Linggo ng Gaudete tayo ay inaanyayahan ni Juan Bautista na ibalik ang galak sa ating mga puso, sa pamamagitan ng pagbabago nang pananaw para mabago ang tanaw.

Комментарии

Информация по комментариям в разработке