PARA SA TAONG DI PA KAYANG BUMITAW | SPOKEN WORD POETRY | MERCY BLESS

Описание к видео PARA SA TAONG DI PA KAYANG BUMITAW | SPOKEN WORD POETRY | MERCY BLESS

Sabi nila nahihirapan bumitaw ang isang tao
Kapag may pagmamahal pang natitira sa puso nito
Maaring isa karin dito?
Yung gusto mong bumitaw pero di talaga
Yung kahit na anong pilit mo na kalimutan siya
Dadating talaga yung araw na maalala mo siya
Yung bigla mo nalang maiisip na
Baka pwede pa
Kaya siguro nahihirapang tayong bumitaw
Dahil di pa tayo handang palayain
Ang taong minsang nagpasaya sa atin
Paano ba naman kasi
Kahit na anong pilit mo
Kung ayaw talaga bumitaw ng puso mo
Wala kang magagawa
Kundi ang maging alipin nalang nito
Kaya madalas
Hinahayaan nalang natin maging bilanggo ng nakaraan
Kasi kahit di na maibabalik yun
Napapasaya parin ang puso kahit papano
Sa tuwing iniisip at binabalikan
Ang mga kahapong nagdaan
Puso ay nagiging marupok nanaman
Puso ay naging sunod sunuran
Tama nga siguro yung kasabihan na
Masarap ang bawal
Dahil kahit na alam na nating
Masasaktan rin tayo sa huli
Ay nagagwa parin nating manatili
Sa isang sitwasyong di tayo ang pinili

Kasalungat kumbaga
Mahal mo pa siya
At siyay tuluyang bumitaw na
Handa ka pang ipaglaban siya
Pero siya tuluyang sumuko na
Ano pabang magagawa
Kundi ang bumitaw na
Pero paano?
Paano kung siya lang ang tanging sagot ng mga hiling mo
Mga hiling na
Sana pwede pa
Sana ako parin ang nasa puso niya
Sana ako nalang ang minahal niya
Pero wala eh
Sadyang dii talaga
Kaya kung ikay minsang umibig
At di inibig
Maaring sa pagkakataong ito
Pakinggan mo rin puso mo
Baka kasi dadating yung araw
Na kahit ikaw
Ay wala naring panahon para bigyan ng halaga ang iyong nararamdaman
Huwag sanang umabot sa puntong
Madurog ito ng sobra hanggang sa
Di mo na alam ang iyong halaga
Oo mahirap bumitaw
Pero mas mahirap buohin ang pusong
Di kayang magpalaya
Dahil kahit na anong gawin dito
Itoy maghihilum lang kapag tinanggap mo na ang totoo
Masakit bumitaw
Pero ito ang dapat
Dahil walang patutunguhan
Ang pusong naging sunodsunuran
Sa nararamdaman
Simulan sa isang hakbang
Kung mahirap?
Simulan mo sa maliit na hakbang
Simulan mo sa paglimot ng masasayang ala-ala
Na siyang nagbabangugnut sayo kapag itoy iyong naaalala
Pangalawa
Tanggapin mo na wala na siya
At kahit na kelan ay di na maari pang umayon sa inyo ang mundo
At kahit na kelan di na posibleng mabubuo pa ang kayo
Sa pagbitaw
Ang pagtanggap lamang ang makapagpapalaya sa puso mo
Ang pagtanggap na tapos na
At pagtanggap na pwede ka pang maging masaya
Kahit wala na siya
Maaring siya ang minsang naging dahilan ng iyong kaligayahan
Pero di ibig sabihin nun na sa kanya mo parin matatagpuan ang lunas ng puso mong sugatan
Bitawan mo na
Masyado ng maraming oras ang inilaan mo sa kaniya
Laanan mo rin ng oras ang sarili mo
Mahalin mo ito
At tulungang maging buo
Bumitaw ka na
Dahil di nararapat sa isang katulad mo ang masaktan ng sobra
Deserve mo maging masaya
Kaya bigyan mo ng oras ang iyong puso
Na tanggaping wala na siya
At kahit wala na siya
Ay pwede ka paring masaya

Комментарии

Информация по комментариям в разработке