It’s Showtime July 20, 2024 | Full Episode

Описание к видео It’s Showtime July 20, 2024 | Full Episode

It’s officially the weekend! Pero dito sa ‘Showtime,’ good vibes ay ‘di mag-e-end. Excitement is in the air habang pinag-uusapan ng ‘Showtime’ family ang nalalapit na “Magpasikat” para sa kanilang 15th anniversary.

Ang defending champion na si Kim Chiu na ka-team nina Jhong Hilario at Ion Perez last year, excited sa kanyang magiging new partner. Uy, ‘partner’ sa ‘Magpasikat’ ha, hindi sa real-life eksena. Ang ‘bestie’ ng bayan, Darren Espanto, mukhang kabado dahil first time niyang makakasali sa ‘Magpasikat.’

Abangan din ang mga parating na big surprises sa 15th anniversary ng “It’s Showtime.”

Pagdating sa pag-ibig, second chances are never too late. Kaya naman ang biyudang si Lola Nilda, sumabak sa “EXpecially For You” para maghanap ng makaka-date.

Kasama ang apo na si Julie, ibinahagi niya ang naging relasyon sa namayapang asawa. Pitong taon na siyang biyuda. Aminadong malungkot ang mag-isa, hilig niya ang mamasyal kasama ang mga amiga. Pero nakaka-miss din ‘yung pakiramdam na may nag-aalaga at nag-aalala sa kanya. Malay natin, umayon ang tadhana at makahanap siya ng ‘true love’ sa tatlong matitipunong searchees na makikilala.

Samantala, curious si Jackie Gonzaga kung paano mapapatunayan ang tunay na pagtingin na isang lalaki. Aww! Mukhang may ibabahagi rin si Cianne Dominguez, na matapang na ini-reveal ang kanyang new relationship.

Isang pangmalakasang ‘prelims’ ang natunghayan sa “Tawag Ng Tanghalan The School Showdown.”

Nagbabalik sa entablado ang pambato ng St. Paul University-Dumaguete, Vince Villarosa. “Kung Maibabalik Ko Lang,” hugot niya sa tanghalan. Nagningning din ang star ng Mutia National High School, Lance Yuson na umawit ng “Isang Lahi.”

Kailangan mong marinig ang bersyon ni Eleana Gabunada (Colegio San Agustin-Makati) ng OPM hit na “Kailangan Kita.” Humanga sa kanya si ‘hurado’ Ogie Alcasid na isa sa mga nag-covers ng nasabing kanta.

Tunay na magaling ang bet ng St. Thomas Academy na si Aaliyah Geling. Powerful version niya ng “Noypi,” hindi mo pwedeng palampasin. Puso ang panlaban ni Trisha Eca ng Yllana Bayview College-Pagadian na kumanta ng “Kung Iniibig Ka Niya.”

Proud na proud sina hurado Erik Santos, Ogie , at Kyla sa limang weekly finalists. Pero iisa lamang ang maaaring magkamit ng golden mikropono.

Комментарии

Информация по комментариям в разработке