It’s Showtime August 24, 2024 | Full Episode

Описание к видео It’s Showtime August 24, 2024 | Full Episode

I-enjoy pa natin ang long weekend with a concert-like performance from Ogie Alcasid na nagse-celebrate ng kanyang kaarawan! Ang mga classic hits niya tulad ng “Bakit Ngayon Ka Lang” at “Nandito Ako,” binigyan ng bagong bihis para sa Gen Zs.

Present sa espesyal na episode ang kanyang beloved wife, Asia’s Songbird Regine Velasquez, at anak na si Nate, na nagbigay ng sweet birthday message. Shout out sa nagkakalat ng fake news tungkol kay Ogie at sa kanyang misis! Going strong ang couple! Hindi totoo ang chismis!

Sina Kim Chiu, MC, at Lassy na ka-team ni Ogie sa “Magpasikat,” nagbigay din ng ‘surprise’ na nagpangiti sa lahat! Naging emosyonal pa si Chinita Princess sa kanyang mensahe at sinabing sana magkaroon din siya ng strong relationship tulad ng kina Mr. and Mrs. Alcasid.

Sa social media, relasyon nila’y palaging nafe-flex. Pero bakit humantong pa rin sa pagiging mag-ex? Alamin ang kwento ni Pat at Maro sa “EXpecially For You.”

Si Pat, noon pa ma’y ma-post na sa social media, lalo na ‘pag may pinagdadaanan at naghahanap ng kausap. Nang minsang nag-status siya about her ‘sad girl’ era, napa-comment si Maro, hanggang nagtuloy-tuloy ang connection nila. Nang maging magkarelasyon, pati pamilya ni Pat ay madalas ka-bonding ni Maro.

Pero dumating sa punto na ang pagiging social media addict ni Pat ay naging issue. Bawat problema ay sa social media niya nailalabas at doon siya naghahanap ng comfort–bagay na ‘offensive’ para sa nobyo niya. Hanggang dumating ang dalawang magkahiwalay na pagkakataon, nahuli ni Maro ang gf na may ka-video call na ibang lalaki.

Sa ngayon, back to being friends sila. At si Pat ang tutulong kay Maro na magkaroon ng bagong kakilala.

Para good vibes ang madlang people this long weekend, namigay ang ‘Showtime’ hosts, sa pangunguna ni Vice Ganda, ng cash prize sa impromptu round ng “Spelling V.” Two thousand pesos ang cash prize na naghihintay sa live audience member na makaka-spell ng salitang babanggitin ni Vice Ganda.

Umuulan talaga ng papremyo at saya sa “It’s Showtime.” At tuloy-tuloy lang ang saya, pati na rin ganda-gandahan at gwapu-gwapuhan gaming n’yo, ha?

Samantala, abangan ang “Tawag Ng Tanghalan The School Showdown” sa Lunes!

#ItsShowtime
#ItsShowtimeFullEp
#ShowtimeAySiOA

Комментарии

Информация по комментариям в разработке