Logo video2dn
  • Сохранить видео с ютуба
  • Категории
    • Музыка
    • Кино и Анимация
    • Автомобили
    • Животные
    • Спорт
    • Путешествия
    • Игры
    • Люди и Блоги
    • Юмор
    • Развлечения
    • Новости и Политика
    • Howto и Стиль
    • Diy своими руками
    • Образование
    • Наука и Технологии
    • Некоммерческие Организации
  • О сайте

Скачать или смотреть Moments of Reflection with God (May 11, 2025 - 4th Sunday of Easter/Good Shepherd Sunday)

  • Leopoldo Causon
  • 2025-05-10
  • 14
Moments of Reflection with God (May 11, 2025 - 4th Sunday of Easter/Good Shepherd Sunday)
  • ok logo

Скачать Moments of Reflection with God (May 11, 2025 - 4th Sunday of Easter/Good Shepherd Sunday) бесплатно в качестве 4к (2к / 1080p)

У нас вы можете скачать бесплатно Moments of Reflection with God (May 11, 2025 - 4th Sunday of Easter/Good Shepherd Sunday) или посмотреть видео с ютуба в максимальном доступном качестве.

Для скачивания выберите вариант из формы ниже:

  • Информация по загрузке:

Cкачать музыку Moments of Reflection with God (May 11, 2025 - 4th Sunday of Easter/Good Shepherd Sunday) бесплатно в формате MP3:

Если иконки загрузки не отобразились, ПОЖАЛУЙСТА, НАЖМИТЕ ЗДЕСЬ или обновите страницу
Если у вас возникли трудности с загрузкой, пожалуйста, свяжитесь с нами по контактам, указанным в нижней части страницы.
Спасибо за использование сервиса video2dn.com

Описание к видео Moments of Reflection with God (May 11, 2025 - 4th Sunday of Easter/Good Shepherd Sunday)

May 11, 2025
4th Sunday of Easter
Good Shepherd Sunday
Gospel Reading: Juan 10:27-30

Noong panahong iyon: Sinabi ni Hesus: “Nakikinig sa akin ang aking mga tupa; nakikilala ko sila, at sumusunod sila sa akin. Binibigyan ko sila ng buhay na walang hanggan, at kailanma’y di sila mapapahamak; hindi sila maaagaw sa akin ninuman. Ang aking Ama, na nagbigay sa kanila sa akin, ay lalong dakila sa lahat, at hindi sila maaagaw ninuman sa aking Ama. Ako at ang Ama ay iisa.”


Naririnig mo ba ang tinig ni Hesus?

Mga kapananampalataya, tayo ay nasa ikaapat na linggo sa panahon ng pasko ng pagkabuhay ni Hesus. Ngayong araw ding ito ay ipinagdiriwang natin ang Linggo ng Mabuting Pastol o Good Shepherd Sunday.

Sa ating ebanghelyo ay binanggit ni Hesus ang koneksyon o ang ugnayan ng isang pastol sa kanyang mga tupa. Ang mga tupa ay nakikinig sa kanilang pastol. Boses pa lang ay alam na ng mga tupa ito galing sa kanilang pastol. Sumusunod lamang sila sa tinig ng kanilang pastol para hindi sila maagaw at mapahamak. Ang tupa ay kilala bilang mga near-sighted kung kaya't mahalaga na mapakinggan nila ang tinig ng kanilang tagapangalaga.

Si Hesus ay ang ating mabuting pastol. Inaanyayahan niya tayo na kung talagang tayo ay kabilang sa kanyang kawan bilang kanyang mga tupa ay dapat sa tinig lamang niya tayo nakikinig. Siya lang ang dapat nating pinakikinggan at sinusunod upang hindi tayo mapahamak at maligaw ng landas. Kaso, sa panahon natin ngayon, maraming mga tinig na umaagaw ng ating atensyon. Nandyan ang tinig ng karangyaan, tinig ng aliw, tinig ng laman, tinig ng kasamaan. Ang mga tinig na ito ay maaaring maglagay sa atin sa disgrasya na siyang maglalayo sa atin sa Diyos.

Bukas ay pupunta tayo sa halalan upang pumili na naman ng mga susunod na mamumuno sa ating bansa, sa ating lipunan. Ngayon pa lang ay marami ng tinig ang ating naririnig mula sa iba't ibang mga kandidato. Mahirap mamili dahil sa sobrang dami ng mga tumatakbo sa halalan. Para tayo ay makapili nang wasto, pakinggan at sundin natin ang tinig ni Hesus, ang ating mabuti at dakilang pastol, ang tinig ng Diyos. Sino nga ba sa kanila ang tunay na nakikinig din sa boses ng Diyos? Sino nga ba sa kanila ang tunay na maghahatid sa atin sa piling sa Diyos.

Harinawa sa patuloy nating paglalakbay sa ating buhay pananampalataya, sikapin nating mapakinggan ang tinig ni Hesus na sa kabila ng ingay ng mundo ay nakatuon pa rin ang ating atensyon sa kanya.

Panginoon, ikaw ang mabuti at dakilang pastol namin. Batid mo ang ingay ng mundo na siyang tuluyang maglalayo sa amin sa inyong piling. Huwag po sana ninyong hayaan na matabunan ng mga ito ang inyong tinig. Tulungan mo po kaming maituon ang aming pansin sa inyong tinig lamang upang kami ay hindi malayo sa inyong piling. Batid namin na kapag wala kaming sa inyong kawan ay maaari kaming maligaw ng landas at mapahamak. Amen.

Комментарии

Информация по комментариям в разработке

Похожие видео

  • О нас
  • Контакты
  • Отказ от ответственности - Disclaimer
  • Условия использования сайта - TOS
  • Политика конфиденциальности

video2dn Copyright © 2023 - 2025

Контакты для правообладателей [email protected]