NOO'Y N*PA AREA SA MINDORO, DINAGSA NA NG PROGRESO | Positibong Kuwentuhan with John Paul Seniel

Описание к видео NOO'Y N*PA AREA SA MINDORO, DINAGSA NA NG PROGRESO | Positibong Kuwentuhan with John Paul Seniel

Dinadaanan noon ng N*PA ang Sitio Balani, Brgy. Ligaya, Sablayan, Occidental Mindoro kaya nabaling ang atensyon ng mga taga rito sa kanila sa halip na sa gobyerno sila buong magtitiwala. Hindi rin sila masisisi dahil ang mga ito ay nagpapakita ng kabaitan at tila gumaganap na parang taga gobyerno. Ngunit dahil sa matiwasay na pagpasok ng kasundalohan at pagpapatupad ng propesyunalismo sa kanilang hanay ay bumaliktad ng suporta ang mga taong sakop sa tribung TauBuid.

Dahil na rin sa seryosong pagpapatupad ng NTF ELCAC kung saan ang mga Lokal na Pamahalaan ay talagang pumapasok at naghahatid ng serbisyo sa mga malalayong pook at itinuturing na Geographically Isolated and Disadvantaged Areas ay bumuhos ang progreso sa mga lugar na ito kagaya na lamang sa pinuntahan naming Sitio Balani sa Bayan ng Sablayan.

Sa aking panayam sa kapitan ng kanilang Sitio ating alamin ang mga proyektong pumasok at kung anu- ano pa ang dapat pang maipatupad na proyekto upang ang kanilang pag-angat ay tuluy-tuloy na.

Комментарии

Информация по комментариям в разработке