It’s Showtime September 2, 2024 | Full Episode

Описание к видео It’s Showtime September 2, 2024 | Full Episode

All we want these ‘ber’ months ay makasama kayo, madlang people! Hindi pa man Pasko, may hinanda na kaming regalo for all. Salubungin ang ‘ber’ months with K-Drama feels! OPPAngmalakasan ang kantahan with Korean singer-songwriter 10CM, ang boses sa likod ng ng mga minahal nating K-Drama theme songs.

Mahal ni 10CM ang Pinas at ang kanyang Pinoy fans. Paborito nga n’ya ‘yung “Palagi” ni TJ Monterde at kaya niyang kantahin perfectly!

Dahil oppa ang ang ating bisita, bumida si Ryan Bang bilang interpreter. Pero bakit ang ‘Showtime’ pamilya, walang tiwala sa sinasabi niya? Lahat ay nagkagulo, pati si Vice Ganda ay mukhang nalito nang kantahin ang “Sana Ngayong Pasko” pero tunog-Koreano.

Ngayong malamig ang panahon, ang sarap mag-food trip with movie marathon. Dito ka na sa ‘Showing Buliit’ kung saan iba’t-ibang pelikula ang tampok, may kasama pang tawanan at bardagulan na patok!

Argus, Kulot, Kelsey at Jaze, muling nagpamalas ng acting chops. Clap, clap, clap! Ginalingan din ng magkakapares for today’s video: Jackie Gonzaga at Vhong Navarro, Kim Chiu at Ion Perez, Wize Estabillo at MC, Vice Ganda at Ryan, Ogie Alcasid at AC Soriano, at Lassy at Jhong Hilario.

Wala pang ‘action,’ sina Wize at AC, acting mode na sa isang eksena mula sa pelikulang “Starting Over Again” – complete with costume pa! Ang haba ng hulaan, dahil minsan, pati bida ng pelikula ay nakakalimot–‘di ba, Meme Vice? Muntik na rin masulot kay Kim ‘yung title ng horror movie niya. Pero sa dulo, tandem nila ni Ion ang umabante sa jackpot round.

Uy, may nagbabalik! Hindi ‘yung ‘ex’ mong nang-ghost sa’yo, and sadly, hindi rin si friend na mahirap singilin. Pero sure naman na maha-happy ka sa pasabog namin! Naritong muli ang “Kalokalike” kung saan ang mga sikat ay makakahanap ng katapat. Sino ang ‘look-alike’ nino? Check out the video!

Mapapa-YOLO ka sa tawa dahil sa pagbisita ng kamukha ni Olympic double-gold medalist Carlos Yulo. Mula sa hulma ng muscles hanggang sa bagsak ng buhok, talagang ika’y mapapa-second look!

Teka , may blonde chick na bumisita. Si Chloe San Jose pala, este, ‘yung ka-look-alike niya! “Wabyu,” sabi ni Chloe sa madla, na kinwentuhan pa tayo tungkol sa love story nila ni Caloy. With Carlos and Chloe on the ‘Showtime’ stage, “Maybe This Time” Dance Challenge na this!

Kinilig naman si hurado Bianca Umali nang bumisita ang ka-fez ng boyfriend niyang si Ruru Madrid. At mas lalong namula si Bianca nang sumabak sila ng ‘mahal’ niya sa isang trivia game!

Aliw din ang komento ng mga espesyal na hurado. Kasama ni Bianca sina Jugs Jugueta at Teddy Corpuz, and ‘Booba’ herself, Rufa Mae Quinto.

Parang ulan, bumuhos din ang talento sa “Tawag Ng Tanghalan The School Showdown.”

Kasinlakas ng bagyo ang karisma ni Brianne Xane Caraig sa entablado. Pambato ng Agoo Kiddie Special School, in-entertain ang madla at mga hurado sa pagkanta ng “Labo.” Ayon kay hurado Bituin Escalante, maganda ang range ni Brianne pero sana mas mabawasan ang pagiging mahiyain nito.

Anuman ang hamon ng tanghalan, hindi siya uurong. Dahil humahagupit din ang singing prowess ni Saint Estanislao Kostka College, Inc. student Wise Yurong. “Astig” kung ilarawan ni hurado Ogie si Wise.

Matapos ang laban, si Wise ang hinirang na Top 1 nina hurado Bituin, Ogie, at Louise Ocampo.

#ShowtimeWeekendVibe
#ItsShowtime
#ItsShowtimeFullEp

Комментарии

Информация по комментариям в разработке