Simulan mo ang araw mo na may katiyakang sapat ang pag-ibig ng Diyos para sa lahat ng pangangailangan mo. Sa maikling video na ito, mapagninilayan ang Salita ng Diyos at isang panalangin para sa araw mo. Hayaan mong punuin ng kapayapaan at kagalakan ang puso mo habang sinisimulan mo ang araw na may pananampalataya sa ating Panginoon.
Sapat ang Pag-Ibig ng Diyos
“Satisfy us in the morning with Your unfailing love, that we may sing for joy and be glad all our days.” – Psalm 90:14
Ang sarap sa pakiramdam ng paggising pa lang sa umaga, alam nating mahal tayo ng Diyos. Isang pag-ibig na hindi nagmamaliw, hindi nagbabago, at hindi nasusukat.
Isang pag-ibig na kumikilos sa puso natin at nagtutulak sa atin na umawit ng kagalakan at pasasalamat. Isang pasasalamat na nagpapagaan sa bawat araw natin.
Kaya imbes na gumising tayong iritable or bugnot, simulan natin ang araw sa paalala ng biyaya at habag ng Diyos. Ang kanyang tapat na pag-ibig ang ating lakas at kapanatagan.
Tayo’y manalangin.
Panalangin sa Umaga
Lord, good morning po. Thank you po sa panibagong araw. Salamat po sa pagmulat ng mata ko, sa hangin na hinihinga ko, at sa chance na mabuhay muli—magmahal, magpatawad, at maglingkod.
Ikaw lang po talaga ang dahilan kung bakit may peace ako sa puso. Kahit minsan nagkukulang ako, nananatili Kang tapat. Salamat po sa pag-ibig Mo, Panginoon, na hindi kumukupas, at sa presensya Mo na laging nandiyan.
Lord, as I go through this day, Ikaw na po ang manguna. Guide my thoughts, words, and actions. Bigyan Mo po ako ng wisdom sa bawat decision, at strength para harapin ang anumang challenge. Ingatan Mo po ako sa biyahe, sa work, o kahit saan man ako magpunta. Ilayo Mo po ako at ang aking pamilya sa anumang panganib, sakit, o aksidente.
Panginoon, dalangin ko rin po ang mga mahal ko sa buhay—pagpalain Mo po sila. Bigyan Mo po kami ng good health, provision, and peace of mind. Kung may pinagdadaanan man kami, tulungan Mo kaming magtiwala na hawak Mo pa rin ang lahat.
Ipaalala Mo po sa akin na hindi ko kailangang kontrolin ang lahat. Kasama Kita, at sapat Ka. Fill me with Your joy today, Lord, and help me to be a blessing to others too.
Thank You, Lord, sa kabutihan Mo. Ikaw po ang lakas ko, ang tagapagligtas ko, at ang Diyos na kailanman hindi nagpapabaya.
Lahat ng ito, dinadalangin ko po sa pangalan ni Jesus.
Amen.
#prayer #morningprayer #morningprayerbeforeyoustartyourday
Информация по комментариям в разработке