PAKIUSAP
Librettist: Jose Corazon De Jesus (18961932)
Composer: Francisco Santiago (1889-1947)
Aya Taciongco, Soprano
Gabriel Allan Paguirigan, Pianist
THE LIBRETTIST
Si Jose Corazon de Jesus (Ho·sé Ko·ra·zón de He·sús) ay itinuturing na pinakanangungunang makata sa panahon ng kolonyalismong Americano. Pinakapopular niyang sagisag-panulat ang Huseng Batute at ginamit niya sa napakapopular na patulang kolum na may titulong Buhay Maynila.
Hinangaan si Batute bilang makisig at mahusay na mambibigkas. Siya ang itinanghal na unang Hari ng Balagtasan. Para siyang superstar noong panahon ng Americano kayâ ang kaniyang mga pagbigkas ng tula ay dinudumog ng madla. Pinakapaborito ng taum-bayan ang mga tulang “Ang Manok Kong Bulik” (1919), “Ang Pagbabalik” (1924), “Ang Pamana” (1925), “Pag- ibig” (1926), “Manggagawa” (1929), at “Isang Punongka- hoy” (1932). Nang mamatay siya noong 26 Mayo 1932 ay nagluksa ang bayan at isa sa pinakamahabàng libing sa kasaysayan ang paghahatid sa kaniyang bangkay sa Cementerio del Norte.
Lumikha rin si Batute ng mga titik para sa mga kanta. Pinakapopular sa mga ito ang “Bayan Ko” na naging pangunahing kantang tagapagpahayag ng pagmamahal sa bayan at sa kalayaan hanggang sa kasalukuyan. Sumulat din siya ng mga tulang pasalaysay. Pinakakilala sa mga ito ang Sa Dakong Silangan (1928), isang alegorikong pagtuligsa sa pananakop ng mga Americano. Kinagili- wan ng madla ang kaniyang araw-araw na kolum dahil sa matapang na tuligsa nitó sa mga sakit ng lipunan na nalalahukan ng bagong talinghaga sa pagtula. Dalawang ulit muntik nang makulong si Batute dahil sa kaniyang pag-atake sa mga Americano.
Ipinanganak si de Jesus sa Santa Cruz, Maynila noong 22 Nobyembre 1894 sa mag-asawang Vicente de Jesus ng Sta. Maria, Bulacan at Susana Pangilinan ng Pampanga. Ikinasal siya kay Asuncion Lacdan noong 1918 at nagkaroon sila ng tatlong anak. Nag-aral siya sa Liceo de Manila, at kumuha ng abogasiya sa Escuela de Derecho. Nag-aral din siya ng humanidades, opera, at piyano sa Unibersidad ng Pilipinas. Isang balintuna na sa kabila ng kaniyang pambihirang popularidad ay hindi siya nanalo sa dalawang beses na pagkandidato sa Sta. Maria, Bulacan, ang itinuturing niyang sariling bayan. (GSZ)
Source: De Jesus, Jose Corazon. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National Commission for Culture and the Arts. Retrieved from https://philippineculturaleducation.c...
THE COMPOSER
On January 29, 1889, Francisco Santiago, the Father of Kundiman Art Song, was born to musically-minded peasant parents, Felipe Santiago and Maria Santiago, in Santa Maria, Bulacan.
Poverty did not stop him from pursuing his studies in piano. He became a piano instructor in 1916 when the University of the Philippines Conservatory of Music was established during the same year.
Notably, Santiago's most famous piece, "Kundiman (Anak-Dalita)," was sung upon the request of King Alfonso XIII before the Royal Court of Spain in 1917.
His other compositions include: "Sakali Man," "Hibik ng Filipinas," "Pakiusap," "Ang Pag-ibig," "Suyuan," "Alaala Kita," "Ikaw at Ako," "Ano Kaya ang Kapalaran?", "Hatol Hari Kaya?", "Sakali't Mamatay," "Dalit ng Pag-ibig," "Aking Bituin," "Madaling Araw" and "Pagsikat ng Araw."
Source: https://kahimyang.com/kauswagan/artic...
A breath-taking timeless kundiman by the late Dr. Francisco Santiago, a lamented Filipino composer. With its articulate words and music, it expresses the anguish contained in the plea of a loving heart that begs to be heard and answered. This "hauntingly beautiful" song is now indelibly associated with Santiago's name.
Source: https://www.filipinaslibrary.org.ph/b...
VOCAL SCORE LINK:
https://drive.google.com/file/d/1fT4R...
Информация по комментариям в разработке