APAT NA PULIS ARESTADO SA ROBBERY, P10M NA TINANGAY NAREKOBER NG PASIG POLICE!

Описание к видео APAT NA PULIS ARESTADO SA ROBBERY, P10M NA TINANGAY NAREKOBER NG PASIG POLICE!

TIMBOG ang apat na pulis Taguig kabilang ang isang sugatan sa enkwentro na ikinasawi pa ng isang sibilyan na kanilang kasama makaraang masukol ng mga rumespondeng Pulis ng Pasig City Police Station sa Elvira st Brgy Kapitolyo sa Pasig.

Ayon sa ulat na nakarating kay NCRPO RD PMGEN VICENTE DANAO JR., naganap ang insidente dakong 12:10AM kung saan pinasok ng ilang armadong kalalakihan ang bahay ng mag live-in partner na sina alyas Toshiho 42anyos Japanese nat"l at Jo 26anyos sa naturang lugar.

Inabutan ng mga suspek sa nasabing bahay ang sekretarya kung saan tinutukan ng baril at hinanap ang kuwarto ng boss nito na si Toshiho,pinosasan at hinalughog ang vault.

Mabilis naman nakalabas ng bahay ang kapatid ng isa sa biktima at nakahingi ng tulong sa mga rumorondang Pulis ng Pasig City Police Station.

Natangay ng mga armadong suspek ang tinatayang P30M at iphone13 promax at agad na sumibat lulan ng motorsiklo.

Ang agarang pagresponde ng PASIG CPS ay nauwi sa habulan at enkwentro na nagresulta sa pagkasawi ng isang sibilyan na kasama ng apat na pulis na suspek.

Sugatan naman at nakaratay sa ospital ang isa sa apat na nadakip na Pulis at napagalaman na kapwa mga nakadestino sa Taguig Station 6.

Narekober sa suspek ang P10M cash, baril at dalawang motorsiklo na Honda Mio at dalawang(2) DVR ng CCTV.

Nahaharap sa kasong Robbery ang apat na pulis na naaresto na kapwa mahaharap rin sa kasong administratibo.

Pinahahanda na rin ni RD DANAO ang mga kaukulang dokumento para agad na masibak sa serbisyo ang mga pulis na nadakip sa krimen.

Patuloy.naman ang manhunt operation ng PASIG CPS ang mga suspek na nakatakas.

Kaugnay nito, Pinasalamataa ng biktima ang mabilis na aksyon ng kapulisan na nagresulta sa pagkadakip sa mga salarin.

Pinuri rin ni RD DANAO ang mga kapulisan ng PASIG CPS at EPD sa ilalim ni DD PBGEN ORLANDO YEBRA.

Комментарии

Информация по комментариям в разработке