Birth certificate ng iba ang ginamit sa pagkuha ng passport, may kaso ba?

Описание к видео Birth certificate ng iba ang ginamit sa pagkuha ng passport, may kaso ba?

Sa ilalim ng Section 19, paragraph ng Philippine Passport Act of 1996, nakasaad na ang pasaporte bilang isang dokumento na higit na mataas sa lahat ng iba pang opisyal na dokumento ay dapat itong bigyan ng pinakamataas na paggalang ng may hawak nito. Kapag gumawa ng nakakapinsala at nakakasira sa integridad at bisa ng passport, ito ay isang seryosong krimen. Ang isa sa mga gawain na pinaparusahan ay ang kusa at sadyang
gumawa ng anumang maling pahayag sa aplikasyon para sa pasaporte upang hikayatin o tiyakin ang pag-iisyu ng pasaporte para sa kanyang sariling paggamit o sa paggamit ng iba. Ang gumawa nito ay paparusahan ng multang hindi bababa sa labinlimang libong piso (P15,000) o higit sa Animnapung libong piso (P60,000) at pagkakulong ng hindi bababa sa tatlong (3) taon o higit sa sampung (10) taon. Sa ilalim ng bagong Passport Act o RA 11983 pinaparusahan ang sinumang gumagamit o nagtangkang gumamit ng anumang supporting documents na pagmamay-ari ng iba. Ano ang parusa? Pagkakulong ng hindi bababa ng 6 years and one day pero hindi lalampas ng 15 years at multa na 250K

Комментарии

Информация по комментариям в разработке