Profitability Ratios (GROSS PROFIT MARGIN, OPERATING PROFIT MARGIN AND NET PROFIT MARGIN)

Описание к видео Profitability Ratios (GROSS PROFIT MARGIN, OPERATING PROFIT MARGIN AND NET PROFIT MARGIN)

FABM2 5.3 FINANCIAL RATIOS -PROFITABILITY RATIOS (Explained in Taglish by Sir RDS)
Heto naman ang financial ratios na magpapakita ng performance ng business. Kung nag-earn ba ng profit o hindi. Ilang percent? Anong dapat gawin ng managers para maimprove ang performance ng business. Iyan ang magiging role ng financial ratios which involve profitability.

Profitability Ratios- Profitability ratios show how efficiently a company generates profit and value for shareholders.
1. GROSS PROFIT MARGIN- is a measure of a company's profitability, calculated as the gross profit as a percentage of revenue. Gross profit is the amount remaining after deducting the cost of goods sold (COGS) or direct costs of earning revenue from revenue. The gross profit margin measures the average markup on every peso sale or for each product.
GROSS PROFIT MARGIN = GROSS PROFIT / NET SALES.
Kapag sinabi nating gross profit margin sa madaling salita ay yung percentage ng mark-up sa binebentang produkto. Tulad nga nung sinabi sa formula para malaman ang gross profit kailngan mo i-minus ang cost of sales sa net sales. So para malaman mo ang percentage ng mark-up ididivide mo lang ang gross profit sa net sales. So ito ay makikita mo sa multi-step na statement of comprehensive income. Halimbawa, ang gross profit ay P1,299,184 at ang net sales naman ay P7,457,736 ang makukuha mo ay 0.16. So sa kada piso na naibenta ng kompanya ay P0.16 ang tinubo. Mas mataas mas maganda. Pero hindi naman nangangahulugan na para tumaas ng gross profit margin ay dadagdagan mo ang mark-up. So ano po gagawin Sir? You have to control the cost of goods sold. Dapat yung purchases mo hindi overflowing sapat lang for a particular period. Kontrol mo din yung freight-in para bumaba ang costs. Dito sa gross profit margin ang kino-consider pa lang for decision making ay ang pag control sa cost of sales.
2. OPERATING PROFIT MARGIN- is computed by deducting operating expenses from the gross profit.
OPERATING PROFIT MARGIN = OPERATING PROFIT / NET SALES
Ang operating profit naman ay nakukuha kapag ang operating expenses ay nai-minus na sa gross profit. Dito sa ratio na ito makikita kung magkano na lang ang naging tubo matapos i-minus ang mga operating expenses. Sa part na ito malaki ang role na ginagampanan ng mga operation managers para mapataas ang operating profit margin dahil kapag na-control nila ang mga operating expenses kagaya ng salaries, electricity at iba pa. Sa formula i-didivide lang yung operating profit sa net sales. Halimbawa, ang operating profit ay P343,008 at ang net sales ay P7,457,736, ang makukuha mong sagot ay 0.05. So ano ibig sabihin nyan? Sa kada piso na sale mo ang tinubo mo after deducting operating expenses ay P0.05. Kaya importante na habang tumataas ang sales ay kinokontrol ng mga managers ang expenses para ito ay tumaas.
3. NET PROFIT MARGIN or RETURN ON SALES is an overall measure of profitability.
NET PROFIT MARGIN= NET INCOME / NET SALES
Dito na nasusukat ang kung tumubo o hindi ang business sa kabuuan kasi naidedeuct na ang lahat ng expenses. Base sa formula ang net income ay i-didivide sa net sales. Halimbawa ang net income ay P268,799 at ang net sales naman ay P7,457,736, ang makukuha na sagot ay 0.04. Ibig sabihin sa bawat pisong kinita ng business ay may P0.04 ka na tubo. Mas mataas mas maganda para sa business.
Iyan ang mga ratio na magagamit mo as a manager in decision making. Ang dami noh? Familiarize mol ang muna sarili mo, know the concept deeper para madali mo matandaan.

Maraming Salamat!
Hanggang sa muli!
Goodbye accountants and managers!
Sir RDS

#finance #abmstrand #accounting

Комментарии

Информация по комментариям в разработке