Sa aking Panahon by Rey Valera (Cover) [Edited]

Описание к видео Sa aking Panahon by Rey Valera (Cover) [Edited]

"Sa aking Panahon" is an unreleased song by Rey Valera.
I rearranged and altered some of the lyrics to update the message of the song

no copyright infringement intended :-)
all credits to OPM legend Rey Valera
Mabuhay ang OPM!

(Implied Permission secured from Rey Valera Official Facebook Page)

"Sa aking Panahon"

Ang aking bayan mahal ng kalikasan
Ngunit walang industriyang pinakikinabangan
Sa aking panahon sila parin ang nasa pwesto
Akala siguroy pinapamana ang ating gobyerno
Mayro'n kaming internet, sikat ang mga gadget
kaya ang mga kabataan, atensyon nakakalat.

Ito ang bayan ko ngayon
Ito ang aming panahon
Kung masisilayan nyo kami
Ito ang aming panahon

Di nga sikat ang kano, die hard naman maging koreano
Bakit nga ba kulang tayo sa pagka Pilipino?
Pagkatapos mag-aral takbo naman ay sa Canada
Tingin namin sa bayan wala paring pag-asa
Pagkakaisa sa Edsa pinagsawaan ng marinig
Ngunit people power parin ang bukambibig

Ito ang bayan ko ngayon
Ito ang aming panahon
Kung masisilayan nyo kami
Ito ang aming panahon

Sa aking panahon kilabot si gobernor,
Ayaw mapalitan, binaon ang kalaban
Si mayor at si bise, sa jueteng yumayaman,
Ang pulis tanggi ng tanggi wala daw kinalaman.
"Kung marami sanang maka-Diyos sa gobyerno"
"At hindi na Diyos ang pera baka mayro'ng pag-asa"

Ito ang bayan ko ngayon
Ito ang aking panahon
Kung masisilayan niyo kami
parang di nagbago ang panahon

Kung sisilayan niyo kami
parang di nagbago ang panahon


The original track can be seen @    • Sa Aking Panahon by: Rey Valera  

Комментарии

Информация по комментариям в разработке