Trabaho ng isang Sales Clerk sa Canada|Trabahong patok sa Canada|What you should know about this job

Описание к видео Trabaho ng isang Sales Clerk sa Canada|Trabahong patok sa Canada|What you should know about this job

Naghahanap ka ba ng trabaho sa Canada?
Marami ang curious kung ano nga ba ang trabaho o gaano kadali o kahirap ang trabaho ng isang sales clerk sa bansang ito. In today's vlog isi-share ko sa inyo at ipapakita ang totoong trabaho ng isang sales clerk o sales person dito mismo sa kompanyang pinapasukan ko. Para sa kaalaman ng nakararami, hindi tipikal na tawaging sales clerk o sales person ang trabahong ito dito sa Canada, ngunit ito ay mas kilala sa tinatawag nilang sales associate. Hindi man tayo naka-experience sa ganitong trabaho sa Pilipinas, ngunit sa aking obserbasyon, masasabi kong iba ang responsibilidad ng isang sales clerk dito sa bansang Canada kumpara sa atin at alamin ang pagkakaibang ito sa ating vlog ngayon. Isa ring katanungan kung madali nga bang mag-aplay sa ganitong trabaho. Masasabi ko na napakaraming stores o kompanyang pwedeng aplayan. Ngunit depende rin naman ito sa season. Usually, maraming kompanya ang nagha-hire ng ganitong trabaho tuwing summer at winter season lalo na padating ang Christmas season. Ang kalimitan, ito yung tinatawag nilang seaonal hire. At kung kayo ay papalarin at nakita ng inyong superior na maganda naman ang inyong performance, kayo ay maaaring maabsorb bilang regular na empleyado. At dahil nga sa sipag at pagiging matatas ng Pinoy sa wikang Ingles, kalimitan, gustong-gusto ng mga empleyor dito na Pinoy ang i-hire lalo na pagdating sa industriya ng retail. Ang advice ko nga lang sa karamihan lalo na sa mga job-seekers dito o maging sa iba na mangggagaling sa Pilipinas na huwag maging mapili sa trabaho lalo na't ito ay iyong pang unang trabaho sa bansang ito.
Malaki man ang responsibilidad ng isang sales clerk dito, ngaunit magiging madali naman ito paglumaan dahil sa paulit-ulit mong gagawin ang mga tasks na ibinibigay sa'yo ng inyong employer. At kung sa tingin ninyo, hindi nyo kaya sa una ang isang task, maging tapat lamang sa inyong manager or supervisor na hindi ninyo ito kayang gawin at maiintindihan nila kayo. At walang chance na hindi nila kayo i-train bago isabak sa isang responsibilidad.
Gaano man kadami ang responsibilidad ng isang sales clerk, ok lang dahil per ora ang rate ng job na ito dito.
At dahil sa pandemya, mas kinailangan pa ng mas maraming sales associate dahil itinuturing ang trabahong ito bilang essential lalong-lalo na sa mga grocery stores.
I hope na makatulong ang videong ito sa inyo at makita ang karaniwang ginagawa ng isang sales clerk dito sa Canada.
Sa susunod na vlog, pag-uusapan naman natin ang rate ng isang sales clerk sa loob ng isang buwan.
Iki-clear ko lang po na ang POS ay poin of sale, hindi point of service na nabanggit ko sa video.
#SalesClerk #SalesAssociate #SalesPerson
See you next time!

📌Equipments used for filming and recording:
🔹📱Iphone X for filming
🔹Sabinetek microphone for recording
🔹Osmo DJI for filming

#LongestZiplineinCanada #BuwisBuhay #MustTryinBritishColumbia

Enjoy watching guys!
Please don't forget 🙏🏽 to subscribe on my Youtube channel 📺 , like the video by clicking the thumbs up 👍🏼 and notification bell 🔔 for more updates.
You may follow 👍🏼 me on Instagram and Twitter- @tripnimike
  / tripnimike  
and Facebook- Trip ni Mike
  / tripnimike  

Комментарии

Информация по комментариям в разработке