It’s Showtime September 20, 2024 | Full Episode

Описание к видео It’s Showtime September 20, 2024 | Full Episode

Walang puwang para sa lungkot at negativity. Dahil dito sa ‘It’s Showtime,’ siksik, liglig, umaapaw ang good vibes and hapi-hapi! Ang masasabi natin sa mga nega: doon kayo sa far away!

I-kick off na ang Friday party mode with ALLMO$T na may bagong entry sa playlist n’yo! Once you hear them sing, ika’y mapapasayaw din. “Boyfriend Dance Challenge” mula sa kanta nila, now trending!

‘Showtime’ family ay kumasa sa dance craze, pati si Bela Padilla, na may one-on-one tutorial with the hip-hop group. Dance your way to happiness, madlang people!

Hindi OA, hindi rin nonchalant. Tamang-tama lang ang timpla ng aktingan nina ‘Showtime’ kids Kulot, Imogen, Kelsey, at Jaze sa “Showing Bulilit.”

Tamang pabilisan at pagalingan lang din ang ganap ng Showtime hosts na magkakapares: Jugs Jugueta at Darren Espanto, Vhong Navarro at Cianne Dominguez, Teddy Corpuz at Ogie Alcasid, Ryan Bang at Tetay, Bela at Negi, pati si Gladys Reyes ay nakilaro bilang ka-tandem ni Jhong Hilario.

Paalala lang: huwag makinig sa bulong ng kalaban. Marami na ang napahamak d’yan. Minsan naman, tamang sagot na ang itinuro, pero hindi pa rin na-gets nang buo.

Kontrabida man sila sa OG at remake ng “Mara Clara,” pero forda happy vibes lang always sina Gladys at Jhong sa likod ng kamera. At dahil positive lang palagi, sila ang sinuwerte at sa jackpot round umabante.

Pero, the struggle is real dahil ibang famous lines ay hindi nahulaan. Ang ending, pabalik-balik si Imogen sa kan’yang linyahan.

Walang kukurap dahil baka malito! Sa “Kalokalike Face 4,” bumida ang mga kamukha ng mga sikat na celebrities. Let’s welcome, ang anak ni Janice [de Belen]! Si Kaila Estrada, sa ‘Showtime’ ay bumista, este, ‘yung ka-look-alike lang pala, na pinakitaan tayo ng talent sa acting. Pero, bakit si Bela Padilla ‘ata ‘yung napagod?

Tawa to the highest level naman ang dala ni Super Tekla! Si hurado Paul Salas, nagulat at naloka! Akala niya’y totoong Super Tekla na ang nasa harap n’ya! Kuhang-kuha naman kasi pati boses at mannerisms, maging ang bungi sa ngipin.

May dalawang ‘Sample King’ sa studio?! Ah, ‘yung isa, kamukha lang pala ni Jhong Hilario. Pasado ang looks at porma, papasa rin kaya ang moves n’ya?

Umaapaw ang talento sa “Tawag Ng Tanghalan The School Showdown.”

Ang makeup artist slash mag-aaral na sa Reian Gorospe ng Universidad De Dagupan, plakadong boses ang ipinarinig sa kan’yang pagtatanghal. “Believe” ni Cher ay binigyan n’ya ng bagong areglo. Kung si Negi naman ang kanyang aayusan, ano’ng makeup look ang bet ni Reian?

Heartbreak ay ginawang inspirasyon ni Edzel John Gorospe ng St. Benilde Center for Global Competence, Inc. Kaya ang napili n’yang kanta, may self-love na tema–“Limang Taon” ni Juan Karlos Labajo. Isa rin siyang songwriter! Parinig nga ng sample, Edzel. Bakit naman naging mashup nang si Tetay ay sumabay? Tapos from Kris Aquino, nag-transition to Zsa Zsa Padilla. Ang gulo!

Pasado at pasok na sa ‘prelims’ si Edzel matapos makakuha ng mas mataas na grado mula kina hurado Zsa Zsa, Nyoy Volante, at Darren Espanto.


#ShowtimeNKKLK
#ItsShowtime
#ItsShowtimeFullEp

Комментарии

Информация по комментариям в разработке