VIVA APO ANA! | ANG MASAYA AT DAKILANG KAPISTAHAN NG BUTIHING PATRONA NG HAGONOY | JULY 26, 2024

Описание к видео VIVA APO ANA! | ANG MASAYA AT DAKILANG KAPISTAHAN NG BUTIHING PATRONA NG HAGONOY | JULY 26, 2024

443 TAONG PAGDIRIWANG NG DAKILANG KAPISTAHAN NI SANTA ANA DE HAGONOY (VIDEO #5)

Si Santa Ana ay butihing lola at patrona ng Bayan ng Hagonoy sa lalawigan ng Bulacan simula pa noong 1581. Sa mga nagdaang maraming taon ay naging malalim ang pamamanata sa kanilang butihing patrona kahit bumagyo at baha. Ang kahulugan ng kanyang ngalan ay Grasya at Awa. Sa dakilang araw ng kapistahan nito, dumadagsa na ang maraming mga mananampalataya upang makapagsimba sa kabayanan upang manalangin at bigyan ng grasya at awa mula kay Santa Ana. Tuwing sasapit ang kapistahan nito, hindi mawawala ang galak ng mga mananampalataya upang sumama sa prusisyon sa karangalan ni Santa Ana na kasama rin ang kanyang esposo na si San Joaquin. Sa saliw ng tugtuging Lerion, ang mga mananayaw ni Santa Ana ay hindi pwedeng mawala at kahit baha, nakipagsapalaran ang mga ito upang makapagsayaw parin. Tuwing sasapit ang gabi ng prusisyon, ito ay pinakainaabangan na bahagi dahil dito ay mas pinakamasaya. Pagsapit ng pagbabalik ng prusisyon, higit na magalak ang mga mamamayan ng Bayan ng Hagonoy upang makisaya ng sobra habang may fireworks display na pinailaw sa kalangitan. Mapakabataan man o katandaan, dumadayo sila sa kabayanan ng Hagonoy upang makapagsimba, makapagdasal at makahiling sa kanilang butihin at mirakulo na patronang si Santa Ana de Hagonoy. Tunay ngang may himala ang mahal na Patron dahil dinalangin nya sa Panginoon na gumanda ang panahon at para rin mapagbigyan ang mga taga Hagonoy na makapagdiwang ng pinakamasayang kapistahan sa Bayan ng Hagonoy.

Ito ang buong kaganapan sa araw ng Biyernes, July 26, 2024 para sa mga hindi nakapunta sa kabayanan sa kadahilanang mataas ang lebel ng tubig sa Hagonoy. VIVA APO ANA DE HAGONOY! VIVA!!! 💗💚💛

TIMESTAMPS
0:00 - Intro (Sorry for the loud volume)
0:05 - Umaga ng Kapistahan
0:50 - Prusisyon sa Umaga
10:00 - Pahalik kay Santa Ana
10:15 - Hapon ng Kapistahan (Misa Mayor)
11:05 - Maringal na Prusisyon nina San Joaquin at Santa Ana
19:20 - Ang Pagbalik ng Prusisyon sa Dambana
20:25 - Fireworks Display
26:15 - Pagpasok ni Santa Ana sa kanyang Dambana

#apoana #hagonoybulacan #bulacan #bulakenyo #fiesta #hagonoy #buenafamilia #lerion #pistangbayan #santaana #sanjoaquin #lavirgen #laniñamaria #santaanadehagonoy #apoanadehagonoy #grasyaatawa #bayangpinagpala #bahagonoy #hightide #baha #poblacion #hagonoyfiesta #bayannghagonoy #santaanashrine #staanachurch #fireworksdisplay #fuegosartificiales #july #2024 #july26 #friday #likeandsubscribe #share #RD25

Комментарии

Информация по комментариям в разработке