It’s Showtime December 11, 2024 | Full Episode

Описание к видео It’s Showtime December 11, 2024 | Full Episode

Busy na ba ang lahat sa paghahanda para sa Pasko? Break na muna sa holiday stress, mga bes! Heto ang pampakalma–isang harana mula kay Kapuso crooner Anthony Rosaldo na kinanta ang ilan sa hits ng “Eraserheads.”

Kahit 14 days pa before Christmas, napaaga ang party mode sa pagbabalik ni Karylle sa “It’s Showtime” studio. Na-miss n’yo ba ang Binibining Kurba na may new look for today’s video?

Super proud naman ang lahat sa “Tawag Ng Tanghalan” alumnus na si Sofronio Vasquez sa pagkakapanalo nito sa “The Voice US.”

Matibay tulad ng bakal ang pagmamahal ng isang breadwinner na handang sumuagal para sa pamilya. Kasabay ng pagiging matatag, sana sila rin ay mapanatag.

Sa “And The Bradwinner Is,” ang taga-hula sa araw na ‘to ay si Jervi Wrightson a.k.a. Kaladkaren. Ang hinahanap ay breadwinner na nagtatrabaho sa junk shop.

Sa unang round pa lang ng pagkilatis, si Jervi, agad naging wais sa mga tanong n’yang simple pero alam mong nanghuhuli. Samantala, laughtrip malala ang ganap sa round 2 kung saan inaktingan tayo ng ‘Showtime’ family para mabuko kung sino ang re-yal at fa-ke. Nag-ala ‘Sine Mo ‘To’ ang eksena nina MC at Lassy with ‘direk’ Vhong Navarro! Sa Round 3 naman, ramdam ang sincere answers ng mga breadwinnables, pati si Anne Curtis ay naiyak.

Panalo ka talaga ‘pag pinakinggan mo ang ‘yong puso! Tama ang hula ni Kaladkaren na si trabahador 3, Michael, ang breadwinner na hinahanap.

Nagsimulang magtrabaho sa edad na 17, si Michael, lahat ay gagawin para sa siyam na kapatid at mga pamangkin. Siguro ‘yung pagod at hirap ay kakayanin, pero ibang klaseng sakit ang mararamdaman ‘pag ang taong pinag-alayan mo ng dugo’t pawis at buong tiwala mong tinayaan ay bigla kang iniwan. Akala ni Michael ay magiging katuwang niya ang isa pang kapatid sa pagtataguyod sa kanilang pamilya. Kaya’t tinustusan niya ang pag-aaral nito. Pinayagan niya rin itong magtrabaho. Walang kaalam-alam si Michael na may cancer pala ang kapatid niya, kaya nang mawala ito, hindi niya maiwasang sisihin ang sarili.

Maniwala ka na ang langit ay laging nakikinig at nakauunawa at magpapadala ng anghel na tutulong sa’yong mga problema. Para kay Michael, ang anghel na ‘yun ay walang iba kundi ang understanding, supportive, at generous na amo niya sa junk shop. Sa araw na ‘to, magsisilbing anghel din ang ‘Showtime’ family sa buhay niya at magiging instrumento ng biyaya.

Sa silid-tanghalan, dapat galingan para medalya ay makamtan. Panoorin ang naging bakbakan ng dalawang estudyante sa “Tawag Ng Tanghalan The School Showdown.”

Nagpamalas ng husay si Keyseah Samanego ng Tarlac National High School na kumanta ng “Killing Me Softly” sa entablado. Kung boses ang labanan, hindi magpapadaig si Pia Carandang ng Tanauan City Integrated High School na pinaluha ang isang hurado sa pag-awit ng “Ikaw Ang Aking Mahal” ni Regine Velasquez.

Sa huli, ang mapusong pag-awit ni Pia ang nakakuha ng mas mataas na grado mula kina hurado Ogie Alcasid, Bituin Escalante, at Darren Espanto.


#ShowtimeAndTheBestChristmasIs

#ItsShowtimeFullEp
#ABSCBNEntertainment

Комментарии

Информация по комментариям в разработке