HIDDEN CHILD| AGE DOESN'T MATTER YAN ANG NG YARE KAY SAVIOR AT SA INAANAK NIYA.

Описание к видео HIDDEN CHILD| AGE DOESN'T MATTER YAN ANG NG YARE KAY SAVIOR AT SA INAANAK NIYA.

"FULLSTORY"
Title: SAVIOR HIDDEN CHILD
WRITTEN BY :LADY PRESCIOUS
EDITED BY: RENDEL

Characters: Savior Hamington and Miracle Santos




Tagaktak ang pawis ni Savior Hamington o ang mas kilalang tigre ng Hamington Empire. Ang panibagong umupo sa trono ng pinakamalaking kumpanya ng mga sports car. Katatapos lamang kasi ng binata sa mission nito na inatas ng kaniyang magaling na ama na si Sancho.

Sa edad na trenta siya na ang nagpapalakad sa kumpanya ng ama. Hindi na rin kasi maasikaso ng kaniyang ama ang kumpanya. Sa pagpasok palang ni Savior sa loob ng mansion sumalubong na agad sa kaniya ang babaeng nakasiping kagabi.

"Babe? Saan ka galing? Kanina pa kita hinahanap—"

"What?" Putol niya sa babae at walang kasing lamig na boses ang lumabas sa mapupulang labi niya. Bahagyang nagulat ang babae ngunit nawala rin iyon dahil ito lamang ang tyansa niya upang mapa-ikot ang isang Savior Hamington.

Isang dyoso sa kagwapuhan at walang kasing yaman na bastardong sinasamba ng lahat. Hindi lamang sa nuknukan na yaman na angkan kundi ito ay si Savior Hamington.

"Gusto ko sana magshopping pagkatapos kong mag-breakfast. Pwede mo ba akong samahan? May mga bagong labas kasi na signatures bag at kailangan ko rin ilibre ng bagong bag ang mga kaibigan ko." Sabi ng babae na para bang kay tagal na niyang kilala si Savior.

"I badly want to buy those luxurious bags para narin may magamit ako kapag nag-date tayo." Masayang sabi nito na para bang nanaginip ng gising.

"Here." Sabay abot sa credit card sa babae. Maligayang kinuha nh babae ang credit card ngunit siya namang pagtalikod sa kaniya ni Savior.

Ngunit ang totoo ay kagabi lamang siya dinala ng binata rito sa mansion. Ito ang routine ng binata upang maibsan ang pagnanasang nasa loob. Upang makalimutan ang batang babae na umangkin sa puso niya. Ang batang babaeng nasaktan niya dahil ang inakalang nararamdaman ay purong tawag lamang ng laman.

"Pwede rin ba akong bumili ng bagong sasakyan? Medyo luma na kasi ang sasakyan ko." Bira pang sabi ng babae na parang wala na talagang kahihiyan.

"Do whatever you want pero pagkatapos n'yan ayaw ko ng makita ang pagmumukha mo." Iyan lamang ang sinabi ni Savior sa babae atsaka niya ito nilagpasan.

Kaysa sumaya ang babae iniwan ni Savior ay namutla pa ito dahil tanda lamang ng salitang binigkas ng lalake na tapos na ang papel niya. Nailabas na ni Savior ang init ng katawan kagabi kaya wala na itong silbi sa kaniya ngayon.

"S-Savior teka lang hindi mo naman ako hihiwalayan diba? We did it all night at para bang wala ng katapusan. I've enjoy it and ramdam kong mahal mo na ako." Makapal pa sa sementong sabi ng babae.

"Look at me babe... Alam kong alam mo na mahal na kita. Mahal mo na rin ako hindi ba? Naramdaman ko 'yon sa bawat ulos na ginawa mo."

Ang kaninang mukha ni Savior na walang emosyon ay napalitan ng pandidiri sa babae. Naglabas lamang sila ng init sa katawan iyon lamang iyon para kay Savior at wala ng iba.

"You're crazy. You spread your legs for me at hindi kita pinilit para dun. I did my part at yan ang ibigay ang pera at luho mo para ngayon araw kabayaran sayo." Maanghang na sambit niya sa babae.

"You're joking right?"

"I'm not."

"Hinayaan kita na makuha ang pagka-inosente ko dahil akala ko iyon ang makakapagpasaya sayo." Tuluyan na ngang humahulgol ang babae sa harapan ni Savior.

Ngunit kaysa maawa ay mas lalo lamang ngumisi ang binata sa babae. Bigla rin umurong ang mga luha ng babae dahil sa takot sa sinabing kasinungalingan.

"Ka-inosentehan? Mukha ba akong pinanganak kahapon para malaman ang inosente sa pinagsawaan na ng iba? Wala nga akong maramdaman kagabi sayo because you're already loose—"

Umalingawngaw ang lakas ng sampal na see ibinigay ng babae kay Savior. Bahagya pang kumiling ang ulo niya at naramdaman ang paghapdi ng kanang pisngi. Wala ng bago dahil araw-araw na niya itong naranasan.

"Ang kapal talaga ng mukha mo! Wala kang kasing animal! Totoo nga ang sinasabi ng mga babaeng nakasiping mo na isa kang animal! Baka naman dahil hinihintay mo parin ang pagbabalik ng o-so-called inaanak mo!" Sigaw ng babae na puno ng galit ngayon.

Muling humarap sa kaniya si Savior ng madilim na ang mukha. Namulsa na rin ito at bored na bored tumitig sa babae.


#audiopocketbook #inspirationallovestory #novelseries#audiopocketbook #novelseries #ou #tagaloglovestory #kwentongpagibig #audiopocketbook #actioncomedy#audiopocketbook #tagaloglovestory #novelseries #action #comedy#romance #drama #dramaserie

DISCLAIMER.......

This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

No parts of this story may be reproduced or distributed in any printed or electronic form without prior permission to Rendel Tagalog Love stories

Комментарии

Информация по комментариям в разработке