UNCUT GULAT ANG BINATA NANG LAPITAN SA MALL NG TATLONG BATA NA KAMUKHA NIYA AT TINAWAG SIYANG DADDY

Описание к видео UNCUT GULAT ANG BINATA NANG LAPITAN SA MALL NG TATLONG BATA NA KAMUKHA NIYA AT TINAWAG SIYANG DADDY

Tagalog true love | FULL EPISODE | love story Tagalog | UNCUT GULAT ANG BINATA NANG LAPITAN SA MALL NG TATLONG BATA NA KAMUKHA NIYA AT TINAWAG SIYANG DADDY | PINOY STORY
Written by: Edmingard
Narrated by: Sasa
Edited by: Amihan

Teaser
Ilang beses bumuntonghininga si Seraphina dahil sa sexy'ng damit na ipinasuot ng kaibigan niyang si Moira.

"Moira, bakit ba sobrang ikili nitong damit ko? At saka ang nipis-nipis pa. Kita pa ang likod ko, may maitatago pa ba ako nito?" reklamo niya.

"Seraphina, kailangan mong magsuot ng ganiyang damit. Given na maganda ka, pero kung ang damit mo naman mamaya ay parang manang, may papansin kaya sa 'yo? Alalahanin mong ginagawa mo ang bagay na ito upang maipagamot sa ibang bansa ang inaanak mo. Ikaw na nga ang may sabi na siya na lang ang pamilya mo di ba? Iniwan siya ng magaling mong kapatid sa pangangalaga mo kaya magtiis ka."

"Mahal na mahal ko namang talaga si Botyok, pero. . . Nag-aalala pa rin ako sa gagawin natin ngayong gabi, sigurado ba tayong mayayaman ang mga lalaking nando'n sa club na 'yon?"

"Oo naman! Wala ka bang tiwala sa akin? Hindi kita ipapahamak, promise ko 'yan sa 'yo. At saka isa pa, alam kong malaki ang magiging kabayaran sa 'yo kasi virgin ka pa!"

"Kung buhay lang si Inay, sigurado akong mapapatay ako no'n kapag nalamang ibebenta ko ang puri ko."

"Naku! Hindi na nga niya malalaman dahil patay na siya, buti sana kung padalhan ka niya ng pera mula sa langit. Tayo na nga. Ayusin mo ang pagsasalita mo mamaya ha. Dapat nang-aakit at class para naman ma-impress agad ang mga fafa sa 'yo, girl."

"Ahm, Moira. . . Ako ba ang mamimili ng ano. . . ng c-customer ko?" kinakabahang tanong ni Seraphina.

"Nope. Ibi-bid kita 'no! Kung sino ang may malaking datong, doon ka mapupunta. Malaki ang makukubra mo girl, 35% lamang ang sa bar, ang iba sa'yo na." Nakangising sagot ni Moira.

"Eh, paano kung kasal na 'yong pipili sa akin? O kaya naman ay matanda na, p-puwede pa kaya akong umatras?"

"Hay naku, Seraphina! Kung ano-ano 'yang mga katanungan mo. Ang mahalaga sa ngayon ay pera. Pera para maipagamot si Botyok, 'yan lang ang isipin mo. Okay?" wala siyang nagawa kundi ang tumango sa sinabi ni Moira. Mas marami itong alam kaya susundin niya ito. Wala rin naman siyang pagpipilian kaya kakapit na lang talaga siya sa patalim.

"Kaya ko 'to, para kay Botyok." Mahina niyang wika at nauna ng naglakad palabas ng kaniyang inuupahang apartment. Bente-uno anyos lang si Seraphina, pero hubog na hubog na ang katawan niya. Iniwan sa kaniya si Botyok ng kapatid niya noong desi-otso pa lamang siya, si Botyok naman ay sanggol pa lamang noon. Nalaman niya na may sakit ang bata na Leukemia nang tumuntong ito ng tatlong taong gulang.

Tags
#tagaloglovestory
#amihanstories
#tagaloginspirationallovestory


DISCLAIMER:
"All the videos, songs, images, and graphics in the video belong to their respective owners and I or this channel does NOT claim any right over them. Copyright disclaimer under section 107 of the Copyright Act of 1976, allowance is made for "FAIR USE" for purposes such as criticism, comments, news, reporting, teaching, scholarship, education, and research. FAIR USE is a use permitted by scholarship, education, and research. FAIR USE is a use permitted by copyright."

All rights reserved. No part of this book/story may be reproduced, scanned, or distributed in any printed or electronic form without prior written permission from Amihan.

_____________________
Thanks to Keys of Moon Music | One Love by Serjo De Lua -   / keysofmoon  
His beautiful music is created under CC License

Комментарии

Информация по комментариям в разработке