It’s Showtime August 12, 2024 | Full Episode

Описание к видео It’s Showtime August 12, 2024 | Full Episode

Ngayong August 12, dose-dosenang tawa ang hatid ng “It’s Showtime!” May kilig, aktingan, at bukingan pa on the side, all in the name of good vibes.

Simulan ang bagong linggo with Kim Chiu and Paulo Avelino. Kung matatamis na ngitian at malalagkit na tinginan lang naman ang hanap n’yo, aba, natural na natural ‘yan sa KimPau. May palitan pa ng sweet message! Ano kaya ang say ni Bela Padilla tungkol sa ‘loveteam’ ng bestie Kim n’ya?

Kagulo ang pamilya ni Kimmy! Sino ba naman ang hindi ma-e-excite kung may Paulo in the house?! Kaya naman ang KimPau, pilit na pinaaamin. So, ito na nga ‘yun! Ang KimPau, may mahalagang sasabihin!

Pagalingan sa aktingan! Sa pagpindot naman ay pabilisan! Catch up na sa mga eksenang masasaya at makukulit sa “Showing Bulilit.”

Kung mahilig ka sa drama, sagot na nina Kulot at Kelsey ang eksena sa “Oro Plata Mata.” Kung comedy naman ang bet panoorin, si Jaze, nag-ala Mr. Bean. Hindi rin nagpahuli si Imogen na umeksena sa ‘bulilit’ version ng “Sisterakas.”

Sorry, Kim and Bela, magkalaban muna kayo for today’s video. At bakit daw si Bela ay lumalayo kay Vice Ganda? In the mood for asaran ang mga fersons parang walang ending ang tawanan session.
Love knows no age — 'yan ang pinatunayan nina Weng at Denan. Dahil ang love, at ang heartbreak, hindi lang para sa mga kabataan. Tulad ng seniors na sina Weng at Denan, matapang na sumugal sa pagmamahal. Pero bakit relasyon nila'y tatlong taon lamang tumagal? Mapangiti sa kanilang kwento sa "EXpecially For You."

Si Weng ay biyuda, samantalang si Denan ay wala pang nagiging asawa. Nagkakilala sa isang party, nagkagustuhan hanggang sa nagpasyang magsama. Matamis ang pag-ibig nila nu'ng una —'sintamis ng mga rambutan sa farm ni Denan. Pero ang pagtitinginan ay umalat nang si Weng ay nakaramdam ng selos dahil oras ni Denan ay sa farm at mga rambutan mas ibinubuhos. Feeling neglected, si Weng, nang-ghost. Nag-effort naman si Denan na hanapin siya pero tunay na hindi magpapakita ang isang taong ayaw nang magpahanap.

Aminadong mahal pa rin nila ang isa't-isa pero kwento nila'y hanggang dito na lang talaga.s
Umaapaw ang talento sa entablado. Panoorin ang salpukan ng mga boses na palaban sa "Tawag Ng Tanghalan The School Showdown."

Present para sungkitin ang golden mikropono ang pambato ng Batangas State University, Czarina Beatingo. Walang uurungan pagdating sa kantahan, pag-awit niya ng "Lipad Ng Pangarap," hinangaan.

Pero hindi rin nagpakabog ang talented singing student ng Marinduque State University, Francine Doroin. "Vision of Love," birit niya sa tanghalan, at dinala siya nito sa pagiging Top 1.

Si Francine ang nakakuha ng mas mataas na grado mula kina hurado Nyoy Volante, Nonoy Zuniga, at Mark Bautista.

Комментарии

Информация по комментариям в разработке