MGA DAPAT NATING MAUNAWAAN SA TUNAY NA PAGSISISI:
Introduction: Anong halaga ng kaalaman, at galing sa Bibliya, at anong halaga ng dami ng mananamba kung hindi naman sila tunay na nagsisisi sa Diyos.. At ano ang halaga kung gaano kana katagal sa isang simbahan kung hindi ka naman tunay na nagsisisi sa Diyos...Ngayon mayroon tayong dapat maunawaan sa tunay na pagsisisi..
I - ANG KAHULUGAN.
1. Kahulugan - Pagbabago ng isip at layunin..
Patunay na talata:
Luke 15:17-20
17"Datapuwa't nang siya'y makapagisip ay sinabi niya, Ilang mga alilang upahan ng aking ama ang may sapat at lumalabis na pagkain, at ako rito'y namamatay ng gutom?
18 "Magtitindig ako at paroroon sa aking ama, at aking sasabihin sa kaniya, Ama, nagkasala ako laban sa langit, at sa iyong paningin:
19 "Hindi na ako karapatdapat na tawaging anak mo: gawin mo akong tulad sa isa sa iyong mga alilang upahan.
20 "At siya'y nagtindig, at pumaroon sa kaniyang ama. Datapuwa't samantalang nasa malayo pa siya, ay natanawan na siya ng kaniyang ama, at nagdalang habag, at tumakbo, at niyakap siya sa leeg, at siya'y hinagkan.
Note: Makita natin na ang Isang alibughang Anak, na nagpakalayolayo, iniwan ang kanyang pamilya, winaldas ang kanyang kayamanan, naubos ito at namasukang tagapakain ng Baboy, wala nang makain, kaya Isang Araw ay nabago ang kanyang isip at layunin... Umuwi siya at ipinakitang tunay ang kanyang PAGSISISI
Note: Alam naman po natin na ang kwento ng prodigal son ay earthly story but heavenly meaning....Kaya ang tunay nating pagsisisi sa harap ng Diyos ay pagbabago ng isip at layunin..
2. Maling kahulugan: Matinding pagkalumbay na hindi naaayon sa salita ng Diyos..
Note: Yaong nagsisi ka sa iyong ginawa dahil guilty na guilty ka, piro may masamang epekto ang dulo, o may ginawa kang paghatol sa sarili mo...
Example si Judas
Matthew 27:3-5 "Nang magkagayo'y si Judas, na nagkanulo sa kaniya, pagkakitang siya'y nahatulan na, ay nagsisi, at isinauli ang tatlongpung putol na pilak sa mga pangulong saserdote at sa matatanda,
4 "Na sinasabi, Nagkasala ako sa aking pagkakanulo sa dugong walang kasalanan. Datapuwa't kanilang sinabi, Ano sa amin? ikaw ang bahala niyan.
5 "At kaniyang ibinulaksak sa santuario ang mga putol na pilak, at umalis; at siya'y yumaon at nagbigti.
MALING PAGSISISI:
Nagsisi ka, piro sinira mo naman ang buhay mo, nagsisi ka sa Diyos, piro magpapasagasa ka, magsisisi ka sa Diyos piro ayaw mo naman sa bagong buhay...
Информация по комментариям в разработке