The LIFE of Sheikh Salamat Hashim (Allahu Yarhamuh)

Описание к видео The LIFE of Sheikh Salamat Hashim (Allahu Yarhamuh)

"Short Biography of the Late Amirul Mujahiddeen Assheikh Salamat Hashim(Allaahu Yarhamu)"
Si Sheikh Salamat Hashim ay ipinanganak noong July 7, 1942 sa Barangay Kudal, Pagalungan, Maguindanao. Galing sya sa isang religious family at angkan ng mga Datu sa Maguindanao, Pito silang magkakapatid, apat na lalaki at tatlong babae.
Unang naging guro ni Sheikh Salamat ang kanyang ina. Sa edad na anim na taong gulang sya ay pormal na nag-aral sa isang public school. Natapos nya ang pag-aaral sa elemtarya noong 1954 with honors at secondary education noong 1958 with honors. Nag-enrol din sya sa isang madrasah at may klase tuwing Sabado at Linggo. Natapos nya ang ibtida’iyah kasabay ng pagtatapos din nya sa high school.
At noong 1958, si Sheikh Salamat ay kabilang sa grupo na nag-Hadj sa Makkah. Nagkaroon sya ng pagkakataon na mamalagi at nag-aral sa Makkah sa loob ng pangangasiwa ni Sheik Jawawi. Lagi syang pumapasok sa halakat na ginaganap sa Masjidul Haram at nag-enrolled sa Madrasatu As-Sulatiyah ad-Diniyah .
1959, sya ay tumungo sa Cairo, Egypt at nakapagtapos sa Al-Azhar’s Ma’had al-Buuth al-Isslamiyah as-Sanawiyah noong 1963.
Samantala, nag- enrolled din sya sa Al-Azhar’s College of Theology sa isang bachelor’s degree program major in Aqidah at Philosophy at naka-graduate noong 1967.
Si Sheikh Salamat ay naging interesado din sa pag-aaral ng English language at nag-enrolled din ito sa British International Correspondence School and the American University sa Cairo.
Si Shiekh Salamat ay isang active student leader ng Philippine Students’ Union in Cairo. Ang pagsali nito sa ibat-ibang aktibidades ng mga studyante ay na-exposed ito sa revolutionary trends, maging Islamic at secular, na bantog sa Cairo sa panahong iyon. Namulat ito sa colonial oppression ng kapatid sa pananampalatayang Islam na patuloy na naghihirap sa Mindanao noon. Ito ang naging transformation sa kanya bilang scholar at Islamic revolutionary.
Naging influential kay Sheikh Salamat ang contemporary Muslim thinkers na sila Syed Qutb ng al-Ikhwan al-Muslimun at Syed Abul A’la Mawdudi ng Jamaati Islami.
Lubos na tumatak sa isipan ni Sheikh Salamat ang mga isinulat ni Syed Qutb’s na nagpanday sa kanyang pananaw sa Islamic political beliefs.
Malaki ang impact ni Syed Qutb at Mawdudi upang ito ay ma-inspired na itanim ang butil ng Islamic revolution sa Bangsamoro homeland.
Natapos din nya ang master’s degree noong 1969 sa nasabing pamantasan. At nakompleto din nya ang academic requirements para sa doctoral degree, ngunit hindi nya natapos ang pagsulat ng kanyang dissertation dahil umuwi ito ng Pilipinas at inorganisa nito ang Moro revolutionary movement.
At nang ito ay makabalik sa Pilipinas noong 1970, sa kanyang bayan sa Pagalungan, naging under-cover nito sa kanyang mission, ang pagtatrabaho nito bilang isang provincial librarian sa North Cotabato.
Sa pagbuo ng MNLF, Si Sheikh Salamat ay funder member at nagsilbing first chairman ng Kutawato Revolutionary Committee (KRC), ang Committee na in charge sa foreign relations.
Gamit ang kanyang contacts at connections sa Middle East, Si Sheikh Salamat ay nakuha nya ang attention ng Muslim world para sa Bangsamoro struggle para sa de-colonization ng Bangsamoro homeland, at nagbunga nga ito ng moral, political at material support sa MNLF.
Bilang isang tao, Si Sheikh Salamat ay lubhang seryoso sa lahat at anumang bagay na kanyang ginagawa.
Bilang isang Alim o Islamic Scholar, kahit na nasa jungle base ay meron syang library. Isa syang mahusay na manunulat, lecturer ng Arabic, English at Bahasa Magindanaon. Ilan sa kanyang mga naisaulat na libro ay ang “The Bangsamoro Mujahid, his Objectives and Responsibilities.”
Si Sheikh Salamat Hashim ay naging miyembro din ng MNLF panels negotiating sa pakikipag-usap nito ng Marcos government noong 1975 at 1976.

Комментарии

Информация по комментариям в разработке