WEEKLY HOROSCOPE April 27 to May 3, 2025 Pampa-Swerteng Handog ngayong Huling Araw ng Abril at Unang Araw ng Mayo at anumang oras ay maganap na ang Unang Patak ng Ulan sa Mayo may dalang suwerte at magandang kapalaran, Nagpapagaling ng mahiwagang mga karamdaman at nagbibbigay ng pambihirang suwerte lalo na sa mga "water type signs at earth type signs personality" - Cancer, Pices, Scorpio, Virgo, Capricorn at Taurus 🤑 $ 💲 $ 💵 💰
*****
"Two-In-One" : Nakapanood ka na ng Weekly Horoscope, mababasa pa Sikreto ng Okultismo at Mistisismo, mula sa mga aklat ni Maestro Honorio Ong ✓ Serialized Novel tungkol sa isang bata na naghahangad na matuto ng Okultismo at Mistisismo.... ✓
Ika-46 na labas….
Noong 1st Century A.D. ayon kay Flavius Josephus, may isang aklat na tinatawag na Great Albert na naglalaman ng kaparehong ritual. Kabilang sa laman ng aklat na ito ay ang “Clavicle” (Key of Solomon). Binanggit sa nasabing aklat kung paanong ang Key of Solomon ay kasamang inilibing sa nitso (tomb) ni Haring Solomon. Ibinilin at pinaingatang mahigpit ito ni Solomon sa kanyang anak na si Rehoboam na siyang humalili sa kanyang trono matapos mamatay si Solomon sa edad na 80 taong gulang noong 931 BC. Ngunit ang nasabing aklat ay lihim na pinahukay ng isa sa mga prinsepe sa Babylonian empire at dinala sa kanilang kaharian. Sinasabing sa Clavicle (Key of Solomon) at sa iba pang mga aklat na isinulat ni Solomon na may kaugnayan sa mga genies at mga demonyo ibinase ng mga Babylonian writers ang ilang kuwento sa popular na fairy tales at adventure stories na One Thousand One Arabian Nights.
Kadalasan ang “plot ng kuwento” ay tungkol sa mga genies na nakulong sa banga o sa tapayan, minsan ay sa lampara at sa ibat-ibang hugis ng mga bote. Malimit na natatagpuan ang mga boteng ito habang ikaw ay nag-iisa sa gitna ng isla, na inaanod sa malawak na karagatan. Ang sinumang makapulot at hindi sinasadyang inalis ang takip ng bote, lalabas ang napakalaking usok at kasunod nito ay ang demonyo o ang genie na anyong higante. Bilang pasasalamat sa natamong kalayaan ng genie na libo-libong taon ng nakakulong sa loob ng bote, ikaw na hindi sinasadyang nagpalaya sa genie ay bibigyan ng tatlong kahilingan na siguradong matutupad. Minsan, habang buhay mo ng magiging alipin ang nasabing genie kaya anumang hilingin mo sa kanya, ay siguradong matutupad.
Tulad ng nasabi na, naging alipin ni Solomon ang nasabing mga demonyo at mga genies na may pambihirang lakas at kapangyarihan. May kakayahan din silang magpabago-bago ng anyo na kadalasan, na bukod sa pagiging tao, nagagawa rin nilang mag-anyong pusa, baboy, kuwago, dragon, kambing, buwaya, ahas at minsan nagagawa rin nilang mag-anyong guwapong-guwapong lalaki o kaya’y isang maganda, sexy at kaakit-akit na babae.
Sinasabing ang aliping demonyo ni Haring Solomon na nagsilbing katulong niya sa paggawa ng Templo ni Yaweh ay may bilang na Pitumpo’t Dalawa (72), hindi pa kasama dito ang ilang mga demonyong tinatawag na “Prinsepe ng Impiyerno” o “Superior Spirits of Hell”.
Narito ang pangalan ng 72 na mga demonyong ito: (1) Agares, (2) Aini tinatawag din Aym o kaya’y Haborym, (3) Allocen, tinatawag ding Alloien o kaya’y Allocer, (4) Amduscias, (5) Amon, (6) Amy, (7) Andras, (8) Andrealphus, (9) Andromalius (10) Asmoday na tinatawag ding Sydonay (11) Astaroth, (12) Baal, (13) Balam, (14) Barbatos, (15) Bathin, na tinatawag ding Bathym o kaya’y Marthim, (16) Beleth na tinatawag ding Byleth, (17) Belial (18) Berith, na tinatawag ding Beal, Bofi okaya’y Bolfry, (19) Bifrons, (20) Botis, (21) Buer, (22) Bune, (23) Caim, (24) Cimeries, (25) Dantalian, (26) Decarabia, (27) Eligor, (28) Flauros, (29) Focalor, (30) Foras na tinatawag ding Forcas, (31) Forneus, (32) Furcas, (33) Furfur, (34) Gaap na tinatawag ding Tap, o kaya’y Goap, (35) Gamygyn, (36) Glasyalabolas na tinatawag ding Caacrinolaas o kaya’y Caassimola, (37) Gomory, (38) Gusion na tinatawag ding Gusayn, (39) Hagenti, (40) Halpas, (41) Ipos, na tinatawag ding Ipes, Ayporos, o kaya’y Aypeos, (42) Lerajie, (43) Malpas, (44) Marbas, na tinatawag ding Barbas, (45) Marchosias, (46) Morax, na tinatawag ding Foraii o kaya’y Forfax, (47) Murmur, (48) Naberius na tinatawag ding Cerberus, (49) Orias, (50) Orobas, (51) Ose, (52) Paimon, (53) Phoenix, (54) Procel na tinatawag ding Pucel, (55) Purson, na tinatawag ding Curson, (56) Raum, (57) Ronobe, na tinatawag ding Roneve, o kaya’y Ronove, (58) Sabnack, na tinatawag ding Saburac, (59) Saleos na tinatawag ding Zaleos, (60) Seere, (61) Shax, na tinatawag ding Chax, o kaya’y Scox, (62) Solas, na tinatawag ding Stomas, (63) Sytry, (64) Valac, (65) Valefor na tinatawag ding Malaphar, (66) Vapula, (67) Vassago, (68) Vepar na tinatawag ding Separ, (69) Vine, (70) Vual, (71) Zagan, at (72) Zepar.
Itutuloy….
FB account ni Maestro Honorio Ong
https://www.facebook.com/ maestrohonorio.ong.9
https://www.facebook.com/ maestrohonorio.ong.5
#swertenghoroscope
#swertengabril
#maestrohonorioong
Информация по комментариям в разработке