"OFW" Theme Song...Ang Kantang Nakakaiyak at NakakaTouch (PUSONG OFW)

Описание к видео "OFW" Theme Song...Ang Kantang Nakakaiyak at NakakaTouch (PUSONG OFW)

Hindi porket OFW mayaman na. Hindi porket nasa abroad marangya na ang buhay. Marami silang dinaraanang mga pagsubok. Hindi ko sinasabing lahat pero may mga ilan o karamihan na inaabuso ng mga ibang lahi kung saan sila ay sinasaktan physically, emotional and mentally.

Minsan sa kabila ng mga ngiti ay may mga nakatagong luha sa kanilang mga mata. Tinatago nalang nila ang sakit, poot at hinagpis na kanilang dinaranas wag lang malungkot ang kanilang mga pamilya sa Pilipinas. Proud ako sa mga OFW dahil hindi lang sila bayani ng ating bansa, bayani sila ng bawat tahanan sa Pilipinas.

Mahalaga at naaapreciate nila ang bawat dasal at simpleng pangangamusta. Mahalagang malaman nila na inaalala mo sila hindi dahil sa pasalubong kung hindi dahil mahalaga at mahal mo silang talaga.

Maraming OFW sa buong mundo ang nagsasakripisyo kahit malayo at malungkot ang kanilang mga buhay. Bawat OFW ay may malulungkot na storya, hindi man natin ito nakikita sana ay pasalamatan natin at ipaalam sa kanila na proud na proud tayo sa kanila.

Комментарии

Информация по комментариям в разработке