#Faith #Seeking #Understanding
ROSARIO, AT PAULIT-ULIT NITONG DASAL HINDI MASAMA, HINDI LABAG SA BIBLIA, BAGKUS SUPPORTADO NG BIBLIA AT BIBLICAL.
.
Ipagtanggol laban sa mga iba't ibang sekta anti-Catholico tulad ng mga Born Again, Iglesia ni Cristo, Dating Daan, Sabadista, na naninira sa tradisyon nating mga Catholico ukol sa Rosaryo at sa dasal nitong paulit-ulit.
.
Dalawa ang lagi nilang banat,
❶ wala daw ito sa biblia,
❷ at bagkus, labag pa daw ito sa biblia sa (Mateo 6:7)
.
Matthew 6:7 (King James Version) “ But when ye pray, use not vain REPETITIONS, as the heathen do: for they think that they shall be heard for their much speaking "
.
ngayon, tama ba ang unawa ng mga iba't ibang mga sektang nagsisisulputan ngayon ukol sa verso na binabato nila sa atin? sasagotin...
.
⚫️ ANSWER #1: Una sa lahat, sa termino pa lang ng rosaryo, ay base ito sa pinakaunang compiled bible sa kasaysayan ng simbahan, at yun ay ang Latin translation ng biblia...
.
Sirach 50:8 (Latin Vulgate)
“quasi arcus effulgens in nebulam gloriae et quasi flos ROSARUM in diebus veris quasi lilia quae sunt in transitu aquae et quasi tus redolens in diebus aestatis”
.
⚫️ ANSWER #2: pangalawa, ang paulit-ulit na dasal sa Rosaryo ay hindi labag sa biblia,
.
ang labag sa biblia ay "walang kabuluhang dasal na paulit-ulit"
.
kung babasahin maigi ang contexto ng (Matthew 6:7) na hindi pinuputol, mababasa ang "vain repetition".
Matthew 6:7 (King James Version)
“ But when ye pray, use not VAIN REPETITIONS, as the heathen do: for they think that they shall be heard for their much speaking "
.
o sa tagalog na biblia...
.
Mateo 6:7 (Ang Biblia)
" At sa pananalangin ninyo ay huwag ninyong gamitin ang WALANG KABULUHANG PAULITULIT, na gaya ng ginagawa ng mga Gentil: sapagka't iniisip nilang dahil sa kanilang maraming kasasalita ay didinggin sila."
.
Mateo 6:7 (Magandang Balita Biblia)
“ Sa pananalangin ninyo'y huwag kayong gagamit ng MARAMING SALITANG WALANG KABULUHAN, gaya ng ginagawa ng mga Hentil. Ang akala nila'y papakinggan sila ng Diyos dahil sa haba ng kanilang sinasabi.
.
Mateo 6:7 (Salita ng Dios)
“ Ngunit kapag ikaw ay mananalangin, huwag mong gamitin ang mga WALANG KABULUHANG PAULIT-ULIT na mga panalangin gaya ng ginagawa ng mga Gentil. Ito ay sapagkat nananalangin sila nang paulit-ulit dahil sa kanilang palagay ay diringgin sila sa dami ng kanilang salita.
.
Kung tama ang akusasyon ng mga Anti-Catholico protestante na pinagbabawal nga ang dasal na paulit-ulit sa (Matthew 6:7), eh dapat walang nakasulat na "vain" kundi "repetition" lang.
.
pero hindi eh, malinaw ang nakasulat eh, "vain repetition" o sa tagalog "walang kabuluhang paulit-ulit" pinag-isang meaning po iyan.
.
ang tanong? ang dasal ba sa Rosaryo ay walang kabuluhang paulit-ulit?
.
hindi po, dahil paano magiging walang kabuluhan ang dasal na ito? gayong ang binabanggit sa dasal na iyon ay syang idinasal ni Hesus nuon at inuutos pa nya idasal natin ang kanyang dasal sa Dios AMA.
.
Matthew 6:9-13 (New American Bible)
[9] "This is how you are to pray: Our Father in heaven, hallowed be your name,
[10] your kingdom come, your will be done, on earth as in heaven.
[11] Give us today our daily bread;
[12] and forgive us our debts, as we forgive our debtors;
[13] and do not subject us to the final test, but deliver us from the evil one.
.
Inutos pa nya itong idasal natin, kaya nga binaggit sa verse [9] ay ganto, "This is how you are to pray..." (pero itong mga umaatake sa Rosaryong dasal ay hindi sinusunod ang utos ni Hesus na idasal ang kanyang sinabi dinasal)
.
Ngayon, ang tanong, walang kabuluhan ba ang dasal ni Hesus kanyang dasal? para hindi paulit ulitinng banggitin ng mga Catholico sa Rosaryo? obviously hindi po...
.
at ganun din sa iba pang mga binabanggit sa rosaryong dasal na hinango sa storya sa biblia. tulad ng mga ito...
.
Hail Marry Full of Grace the Lord is with you (Luke 1:28)
Blessed art thou amongst woman blesses is the fruit of our womb Jesus (Luke 1:42)
Holy Mary Mother of God (Luke 1:43)
pray for us for sinners now & at the hour of our death , AMEN (James 5:16)
.
napakabuluhan po ng mga ito, para paulit-uliting banggitin sa dasal, kaya hinding hindi labag sa biblia ang pagdasal ng Rosaryo.
Bro. Wendell P. Talibong on Social Media
---------------------------------------------------------------------
Facebook page:
/ pananampalat. .
/ deliverance-. .
/ brwendell.ta. .
---------------------------------------------------------------------
FOR SPEAKING ENGAGEMENT & BRAND COLLABORATION, CONTACT ME:
Email: christipax513@gmail.com
---------------------------------------------------------------------
FOR THE EVANGELIZATION AND CHARITABLE WORKS, you may donate through
ACCOUNT NAME: SOCIETY OF SAINT VINCENT DE PAUL PHILIPPINES INC.
ACCOUNT NUMBER: 450-3-45017137-0
✅Metrobank Burgos Branch, Ozamiz City:
✅GCASH: 09052223328
Информация по комментариям в разработке