It’s Showtime December 20, 2024 | Full Episode

Описание к видео It’s Showtime December 20, 2024 | Full Episode

Sana ngayong Pasko, bumuhos ang mga biyaya sa buhay mo. Sana makapagpahinga ka with the family. Ano ba ang mg ‘sana’ n’yo this Christmas, Madlang People? Si Kim Chiu, may very sincere na ‘sana’ not just for herself, but for all.

Sana ma-enjoy n’yo rin ang performance nina singing champs John Rex at Rea Gen Villareal, na nag-sample pa ng “Paskong Pinakamasaya” birit version. Kung biritan lang din naman ang eksena, hindi magpapatalo si Jackie Gonzaga.

On fire ang pagkilatis ni Glaiza de Castro sa “And The Breadwinner Is” kung saan tinanggap niya ang hamon na hulaan kung sino ang tunay na breadwinner messenger.

Basta ang napansin ng lahat, si Breadwinnable 1, nakaka-sana all ang mala-salamin na balat. Kalokalike naman ni Paulo Avelino si Breadwinnable 2 sabi ni Kuys Jhong Hilario. Uy, anong klaseng smile ‘yan Kim Chiu?

Sign ba ‘yan ng kilig tulad ng mga ngiti ni Jackie, na very mindful and very demure sa eksena with Darren Espanto? Ate Girl, isang paalala, aktingan lang ‘to! Pati ba si Ryan Bang nahawa na sa kilig nang magkatitigan sila ni Breadwinnable 3?

Tila gumana ang kapangyarihan ni Glaiza! Dahil natumpak niya ang hinahanap na trabahador, si Breadwinnable 2, Carlo, na patuloy pa rin ang pagsisikap na bumangon. Nasunugan ang pamilya ni Carlo ngayong taon. Halos buong tahanan ang tinupok ng apoy. Sa ngayon ay nagtitiis ang pamilya ni Carlo sa maliit na espasyo si gilid ng kanilang bahay.

Naging working student si Carlo hanggang sa napagtapos niya ang sarili sa senior high. Teenager pa lang nang magsimulang maging breadwinner ng pamilya, matapos ma-stroke ang ama. Dahil hindi na kakayanin ang gastusin sa kolehiyo, napilitan siyang isantabi na muna ang pangarap na makakuha ng diploma. “Kailangan ko pang galingan,” sabi ni Carlo sa sarili.

Samantala, may promise si Ogie Alcasid na tumagos sa puso ng featured breadwinner.

Makakatanggap ng aguinaldo ang talentong aangat sa “Tawag Ng Tanghalan The School Showdown.”

Unang sumabak sa entablado ang pambato ng Cebu Technological University-Bantayan Extension, si Myx Ofqueria. “Mandy” ang napili n’yang kanta.

Harana sa malamig na panahon! Damhin ang pag-ibig sa pag-awit ni Radhni Tiplan ng “Ikaw At Ako.” Bandera ng Holy Redeemer School of Cabuyao, bitbit niya sa entablado.

Matapos ang pasiklaban sa tanghalan, si Myx ang nakakuha ng mas mataas na grado mula kina hurado Nyoy Volante, Ogie Alcasid, at Darren Espanto.


#AndShowtimeIsShining
#ItsShowtimeFullEp
#ABSCBNEntertainment

Комментарии

Информация по комментариям в разработке