FULE-MALVAR MANSION | Ang White House ng San Pablo...

Описание к видео FULE-MALVAR MANSION | Ang White House ng San Pablo...

𝕋𝕙𝕖 𝔽𝕦𝕝𝕖- 𝕄𝕒𝕝𝕧𝕒𝕣 𝕄𝕒𝕟𝕤𝕚𝕠𝕟

Ang Fule Malvar Mansion ay itinayo noong 1915.

Matatagpuan ito sa kahabaan ng Rizal Avenue, sa Lungsod ng San Pablo. Sa lalawigan ng Laguna.

Katabi nito ang San Pablo Central School, na noon ay kilala sa tawag na "Escuela Pia".

Ang mansion ay itinayo sa istilong Romantic-Classicism, na idinisenyo ng isang Spanish Architect na si Abelardo La Fuente.

Habang ang magandang hardin naman nito ay dinisenyo naman ni Andres Luna de San Pedro, ang anak ng kilala sa buong mundo noon, na pintor, na si Juan Luna.

Ang mansyon ay dating pagmamay-ari ni Doctor Potenciano Malvar na tubong Santo
Tomas, Batangas at asawa nitong si Doña Eusebia Fule ng San Pablo, Laguna.

Si Doc Potenciano Malvar ay ang tanging kapatid ni Heneral Miguel Malvar, ang sinasabing huling Pilipinong heneral na sumuko sa pwersang Amerikano noong panahon ng Philippine – American War.

Si Doc. Potenciano Malvar ay nagkaroon ng titulo bilang "Grand Old Man" mula sa mga taga-San Pablo.

Naging medical officer siya noong
Panahon ng Philippine-American War.

Mula 1909 hanggang noong 1912, naging deputy siya sa Philippine Assembly, .

Nang taon ding iyon, siya ay naging Gobernador ng lalawigan ng Laguna.

Noong 1940 siya ay naging unang hinirang na alkalde ng unang lungsod sa Laguna - ang San Pablo City.

Ang mansyon ay nagsilbing pansamantalang bahay para sa pagbisita ng mga nagdaang pangulo tulad nina Manuel L. Quezon, Sergio Osmena, Manuel Roxas, Ramon Magsaysay.

Gayundin, ng iba pang matataas na opisyal at dignitaryo ng pamahalaan noon.

Nang maglaon, ang Mansion ay ipinamana nila sa kanilang mga pamangkin.

Na ibinenta naman sa National Life Insurance Comoany noong 1966.

Noong 1988 naman, ito ay nakuha ng Philam Life Insurance Company.

At nagsagawa ng restoration at refurbishment noong 1990.

Ngayon ay pag-aari na ang Mansion ng City Government ng San Pablo.

At naging opisina na ngayon ni 𝐂𝐨𝐧𝐠. 𝐋𝐨𝐫𝐞𝐭𝐨 '𝐀𝐦𝐛𝐞𝐧' S. 𝐀𝐦𝐚𝐧𝐭𝐞.



Maraming Salamat sa mga Sumusunod:

Office of Congressman
Loreto S. Amante & to all its officials and staff.

City Government of San Pablo City.

San Pablo City Tourism Office.

and,

Sir Don Calixto Martinez, for his assistance on making this project a reality. ☺☺☺



Wazzup Mga Ka-Dito...

Kung nagustuhan nyo ang ating latest video.

Please 𝐋𝐈𝐊𝐄 & 𝐅𝐎𝐋𝐋𝐎𝐖 our YouTube Channel.

𝐂𝐨𝐦𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐚𝐭 𝐒𝐡𝐚𝐫𝐞 na rin kayo.

Hit nyo na rin ang 𝐍𝐨𝐭𝐢𝐟𝐢𝐜𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐁𝐄𝐋𝐋 🔔🔔🔔 para Update d kayo sa mga baong ilalabas nating videos.

Also, 𝐋𝐢𝐤𝐞 & 𝐅𝐨𝐥𝐥𝐨𝐰 nyo rin ang ating Facebook Page: 👇👇👇
https://www.facebook.com/DitoSaPi7ong...



#ditosapi7onglawa #sanpablocity #sanpablolaguna #laguna #lovephilippines #ancestralhouse #history #documentary #government

Комментарии

Информация по комментариям в разработке